Ang Sagot Ko Sa Isang Hate Mail At Cyber Bully

bigword

Dati uber affected ako sa mga hate mails.  Recently may natanggap ako at nilalait na palagi daw akong kumakain ng libre sa mga bagong bukas na restaurants kasama ang partner ko. The hater ends the mail with “JOKE LANG…”

Hehehehe. MANLALAIT tapos JOKE lang?

Pwes, mamatay ka sa inggit.

Unang-una, hindi ko pinupuntahan ang lahat ng invitations. I wonder kung sinong ang PALAGI nyang nakikita. Siguro si Angelina Jolie yun.

Pangalawa, alangan namang magbayad ako eh INVITATION nga. Hindi ako kuripot dahil kaya ko namang magbayad. Pero lalong hindi ako bastos at magbayad kapag imbitado ako.

Pangatlo, imbitado din ang PARTNER ko at hindi ko ugali na magbitbit ng asungot sa mga invitations na natatanggap ko. Ako nga mismo asar sa ganitong ugali — gagawin ko pa?

This is a free country pero kung magki-criticize ka — magpakilala ka naman at haharapin kita ng maayos. Huwag kang CYBER-BULLY taz magpapaka-anonymous ka? Humarap ka at huwag kang DUWAG.

Lastly, kung ayoko mo ako eh di huwag mo akong pakialaman. STALKER lang ang peg mo?

Otherwise — again, mamatay ka sa inggit. Hindi ako nangingialam dahil sabi ng nanay ko BASTOS ang ugaling yan.

SMILE na lang and everything.

Related Posts with Thumbnails