Realizations

bigword

Out of the blue, naisip ko lang isulat ito.  From time to time, naliligaw tayo ng landas at kung anu-anong kabulastugan ang ginagawa natin.  Nobody’s perfect — but we can aim to become better persons.  Nagkakamali din ako — nakakasakit din ako ng kalooban ng kapwa ko dahil minsan mas nauunang sumabog ang emotions kesa gumana ang utak.  Sana, faithful readers, ay may mapulot kayong lessons mula sa mga sumusunod kong realizations.  Read on…

  1. Hindi lahat ng kabeso mo ay tutuong kaibigan. May Halik-Ni-Hudas kaya keber ka sa mga taong ganyan.
  2. Hindi lahat ng nagsasabing hindi sila nambastos ay nagsasabi ng tutuo. Bastos begets bastos.
  3. Huwag kang umasa sa pangako. Gawin ang nararapat. Kapag dumating ang ipinangako-Alleluia! Pag hindi smile na lang ever.
  4. Mamayagpag ka ngayon pero huwag kakaligtaang sa lupa pa rin ang bagsak mo. Magpakumbaba bawat sandali.
  5. Huwag umasam na gumanti sa mga nakasakit sayo. Bahala na si Lord sa kanila. In the meantime araling magpatawad na lang.
  6. Huwag maging BITTER – maging BETTER ka at mas uunlad ang buhay mo.
  7. Maraming beses ka mang nasaktan dahil sa pagibig, oks lang yan… di ka lang masasanay – mami-meet mo rin ang para sayo!
  8. Maging masaya ka kung anong meron ka. Magpasalamat sa anumang biyayang darating. Huwag kang sakim.
  9. Hindi ka palaging tama. Minsan palpak ka rin. Tanggapin ang pagkakamali at humingi ng tawad sabay sapak sa batok mo!
  10. Kapag nangako ka siguruhin mong tutuparin mo. Kung di kaya sabihin mo na habang maaga pa. Wag ng paasahin ang pinangakuan.
  11. Hindi lahat ng mahal mo ay mahal ka. Huwag kang assuming!
  12. Huwag nang bilangin ang mga kabutihang nagawa mo para sa ibang tao.  Huwag na ring umasa ng kapalit.  Kung hindi ka man pinapansin ng mga natulungan mo hayaan mo na.  Maniwala ka sa karma.

May sarili ka bang realizations lately?  Comment ka lang, faithful reader…

Related Posts with Thumbnails

4 comments

  1. haay. namiss ko na mga blogsposts mo na ganito. but this one’s my favorite from Bob Ong:
    “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
    “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
    lynette G.´s newest blog post post ..The Prestigious Mr and Ms Gensan Pageant 2012 Coronation

  2. ang saya ng mga realizations mong ganito- nkaka positive vibeS sa morning ko!
    sana isali mo din eto-“di lahat ng readers mo gusto ka! yung iba naghihintay lang kung wrong grammar kaba.” bwahaha but ako love ko ang GESM.
    RESPECT begets RESPECT-yan ang realizations ko dis week.yan ay dahil sau at dahil sa boss kong di ko madrawing.hahay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge