Win Some Lose Some Sa Punto Por Punto

Sigurado ako na natigalgal ang buhay nyo two-weeks in a row

Nauna na nung Grand Finals ng American Idol na sinalihan ni Jessica Sanchez

Isa ako sa mga napapanganga kapag kumakanta si Jessica

At siempre dahil 50% Pinay ang 16-year old belter na ito

Buong Pilipinas ang tumutok sa “laban” nya at umasang mananalo sya

Sa tutuo lang gusto ko syang manalo lalo na’t si Phillip Phillips LANG ang kalaban nya

Mas bonggang labanan sana kung si Joshua Ledet ang naging katapat nya

Pero naunsyami din ang dream ang biriterong Joshua nung matanggal sya

Noon pa lang pakiramdam ko na walang laban si Jessica sa CHARMS ni Phillip

Kaya nung nag-poll question ang Punto-Por-Punto ng Umagang Kay Ganda

Na kung sino sa tingin ko ang mananalo — si Phillip ang pinili ko

And I hate it when I’m right — umuwi nga na luhaan si Jessica

Ang sumunod na  mainit na pinagdiskusyunan ay ang Corona impeachment

Hindi man ako sang-ayon sa istilo ng pagpasa ng Lower House ng impeachment

Tinutukan ko pa rin ito mula sa unang araw hanggang matapos

Nakita ko ang kahinaan ng Prosecution Team at ang kagalingan ng Defense Team

Tuma-tumbling ang stress-level ko tuwing nanonood ako ng proceedings

Umariba siempre si Senadora Miriam at lalo lang nagmukhang tae sina Tupas

Pero nung si Ombudsman Conchita na ang umeksena nabuhayan ako ng loob

Noon ko rin naintindihan kung anong klaseng tao si Corona

Personally hindi na karapat-dapat pang manatili syang punong-mahistrado

Eh hindi naman ako Senator-Judge kaya’t wala akong power to kick him out

Honestly I was sure that he will be acquitted — he only needed eight votes!

Kaya’t sa Punto-Por-Punto I voted that he will survive the impeachment

Well, this time around, I was uber glad that my hunch was wrong

Maraming beses nang lumabas ang comment ko sa Punto-Por-Punto

Para na nga akong regular commenter

Minsan bongga — minsa palpak

Win some — Lose some

At least na-feature

Laban kayo?

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge