Losing The Weight: Believe It Or Else

spot the difference!

Kung ako nga mismo hindi makapaniwala eh ibang tao pa kaya?

When I embarked on my weight-loss journey alam kong mahirap

In fact, iniisip ko pa lang — feeling ko hindi ako magiging successful

Kasi pakiramdam ko I will go thru the same efforts sa PINOY BIGGEST LOSER

Yung ganung physical exercise ang takot ko — ang hindi ko kaya

Tanggap ko na matabang-mataba na ako and I have revolved my life around it

Hindi ko na nga pinapansin ang mga puna ng mga kaibigan ko

Alam ko namang people laugh at my immensity

Siguro mataray lang ako at hindi rin kung sinong tao lang

Kaya tameme na lang ang karamihan kahit kapuna-puna ang taba ko

Lalo pa akong tumaba after a two-week training in Manila last January

When i looked myself in the mirror — natakot ako sa nakita kong reflection

I was a ticking time bomb and anytime pwedeng sumabog

My doctor has been telling my to lose weight — oo lang ako ng oo

Kain pa rin ako ng kain — as in, walang patumanggang kainan

At the back of my mind, kilala ko rin ang kakayanan ko sa pagpupursige

Alam ko na kapag maumpisahan ko lang ang effort — adik talaga ako

Well, the rest they say is history

Sinimulan ko ang PAGBABAGO nung February 1, 2012

Unti-unti kong naramdaman ang pagluwang ng mga damit ko

Lumiit ang mukha ko — pati leeg ko humaba — “nagkaka-leeg” na uli ako!

Pati ang paa ko at kamay napansin kong lumiit din

Nung una ayokong pumatong sa weighing scale — takot ako sa lalabas eh

Pero nung na-confirm that I lost 11kgs naging best-friend ko na ang weighing scale

Mga dating masisikip na tee-shirt ay kasya na

Dating paboritong damit na nagtatago ng taba ko eh super luwang na

At sa tutuo lang — ampogi ko pala kung payat ako — tumangos uli ang ilong ko

Sa mga nasanay na makita akong mataba — nagugulat!

Ano daw ginawa ko — nagsa-shabu ba daw ako?  Ano ako, bakle?

Nakakatuwa ang mga positibong reactions — lalo tuloy akong naa-adik

I’m still a long way to go kasi I need to lose at least 30 kgs more

And each day — I keep losing the excess baggage in my body

I have also learned to eat properly with the right portions

Hindi pwedeng walang fruits, vegetables, protein at carbohydrates sa diet ko

Hindi rin pwedeng magpaka-gutom — no starving, ‘ika nga

I have made big sacrifices:  No soft-drinks, no beer, no sweets!

But I am not complaining — susme, natikman ko nang lahat yan

It’s time to love myself more and be healthy

Sa mga naging katuwang ko sa misyon ito, DAKAL SALAMAT!

Kay Mae Paner na nag-challenge saken, love you to the max

Kay Melanie Macaraeg na nag-introduce saken sa TRA, bongga ka dah

Kay Lisa Ygnalaga, ang matiyaga kong wellness coach, salamat dear

Kay Ernan Buncalan ang masipag na nutritionist ko, BFF kita!

At sa inyo, FAITHFUL READERS, na sinasabayan ako no matter what, i love you all!

Tuloy-tuloy lang ang pagsisikap at pagbabago para mas Gaganda Ever So Much.

Sa mga nagtatanong kung anong ginawa ko para pumayat — TRA lang ang katapat.  Basahin nyo about it by clicking HERE.  Or talk to my wellness coach LISA YGNALAGA by texting her at 09228212823.

Related Posts with Thumbnails

6 comments

  1. Hi Sir Orman, galing ng pagbabago mo.sinusubaybayan ko talaga etong thread mo regarding sa weight loss mo. Ako rin kasi 98kilo ako and now masaya narin at 8kilos na nawala sakin. na inspired ako sa una mong blog. This is my 3rd week na sa pag diet. Tulad mo I hate exercise din. 🙂 pero ngayon pinag lalaanan ko narin ng panahon. Jogging, Badminton and Table tennis ginagawa ko. Sana post kapa ulit sa future improvements mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge