I’ve known Zendee for over a year now.  Biritera talaga siya eversince.  Probably because sikat na sikat noon si Sarah Geronimo and every aspiring singer wanted to become like Sarah.  Si Zendee noon hindi mo makakalimutan dahil sa buhok nya — ansarap gupitan!  And siempre yung pananamit nya na kung pwede lang eh kami na ni Direk Dino ang mag-aayos sa kanya.  Maraming magagaling na singers sa Gensan.  Marami na din akong nakatrabaho among them.  Most of them eh wala na ngayon — either di talaga nila kinarir ang pagkanta or nawalan na lang sila ng gana dahil mailap ang kasikatan.  Well, Zendee went through it all.  I mean, lahat siguro ng challenges as an aspiring singer napagdaanan nya.  Ang kaibahan lang, she never gave up on her dreams.  I loved her dedication to her craft.  I saw how she evolved into what she is now.  The hair is still there but she dresses very chic nowadays.  I’m still bothered by her hair but I sooooo love this lady… She’s got class and she’s got talent.

I asked Zendee to open her heart to us and she gladly obliged.  Read on, faithful readers…

How I started?

Siyempre dahil ang mom and dad ko parehong singers, kumakanta na ako nung 4 years old pa lang ako.  Palagi kasi akong isnasama ni mom kung saan siya nag wowork as a singer kaya siguro nahiligan ko nang kumanta.   Hanggang sa dumating yung time na kelangan na ni mom mag abroad so naiwan ako sa mga tita ko na nag-alaga sa akin.

The good thing is that they encouraged na kumanta at dapat galingan ko pa daw para masundan ko si mommy sa abroad.   Kaya halos araw araw nagpapractice ako taz nirerecord din pala ng tita ko para ipadala kay mom yung tape ko.

Habang nasa abroad si mommy, sumasabak na ako sa mga amateur singing contests sa mga barangay. Halos lahat ng barangay ng GenSan kapag may fiesta, sugod na ako. Pati sa inter-school na mga competition di ko pinalampas!

Iskolar dahil sa pagkanta

Palagi akong nanalo noon sa mga singing contests kaya nung ililipat na ang Principal ng school sa ibang assignment bitbit niya ako with an educational scholarship.   Grumaduate ako ng walang kagastos gastos nung elementary ako.  Same din nung highschool at college ako. Scholarship lahat dahil sa talent ko. Dahil narin sa pag encourage ng mga tao…ayun bumongga ang Self Confidence ko kaya’t nag-join pa ako ng mas malaking competitions — local and national.

Hanggang dito na lang ba?

Wala akong maisip na mabigat na frustration dahil ako kasi yung taong come what may. Nung Pinoy Dream Academy auditions ng ABS CBN natanggap ako tapos andaming umasa na papasok na ako — kaso di ako napili.  Another thing eh yung Pinoy Got Talent at X-FACTOR — parehong di ako natanggap. Naisip ko tuloy? Hanggang dito lang ba talaga ako?  Di ba ako pwede sa Manila? Sa tv? Sad tuloy ako. Pero okay lang.  Kung para saken talaga ang isang bagay alam kong mapapasaakin din yun.

Thank you, Congressman Pacquiao

Bawat panalo ko sa mga singing contest, mahalaga sa akin.  Each time na may mga positive reviews about my singing — nakakataba ng puso.  Nung mapakinggan ako ni Congressman Manny Pacquiao, nagustuhan nya ang kalibre ko at sa tuwa niya he offered a college scholarship kaya eto nga graduating na ako this March 2012.  For now ito yung pinaka-importante muna sa akin — ang makapagtapos ng pag-aaral.  

My Impossible Dream?

Gusto kong ikutin ko ang Pilipinas after graduation!  I want to enjoy my own country and share my singing talent with others.  Also may isang talent manager from California and producer from London na gustong tumulong sakin after I graduate — inaasahan ko pa rin yun at sana nga matuloy.  Nakakataba nga ng puso kasi andaming gustong tumulong sa akin as far as my talent is concerned.  For now, panay ang recording ko ng covers of hit songs and posting them on You Tube.  Nakakatuwa kapag nakikita kong dumadami ang naga-view ng videos ko.  Sana maging daan ito para maging isang sikat na recording artist/singer/performer ako at maging You Tube sensation.

Follow Zendee on Twitter:  https://twitter.com/#!/iamzendeerose

Subscribe to Zendee on You Tubehttp://www.youtube.com/user/zendeerosetenerefe

Be her friend on Facebook:  https://www.facebook.com/iamdheeI

Like her page on Facebookhttps://www.facebook.com/pages/Seandhee/322840824435440?ref=tn_tnmn&sk=wall

Related Posts with Thumbnails

Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (4 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner