PNoy Says A Mouthful About The Impeachment Of Chief Justice Corona

courtesy of reynthology.blogspot.com

I am quoting – verbatim – President Noynoy Aquino’s speech today, February 16, 2012 at the anniversary celebration of Tagumpay ng Bayan. I got this from the Official Gazette website.  This should revived the waning interest of Filipinos about the impeachment of Chief Justice Corona.  I highlighted parts of the President’s speech.  Read on, faithful readers…

Dalawampu’t anim na taon po ang nakakalipas mula nang nagtipon ang mahigit isang milyong Pilipino sa Luneta upang ipagdiwang ang Tagumpay ng Bayan. Idineklara nila ang pagwawagi ng aking yumaong ina laban kay Ginoong Marcos sa Snap Elections. Nagpatupad sila ng civil disobedience campaign, at nag-boycott laban sa mga kumpanyang sumipsip sa diktaturya. Ipinaramdam nila na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng karaniwang tao. Ito po ang naging unang hakbang ng taumbayan tungo sa rebolusyon ng EDSA.

Narito po tayo ngayon: nagbabalik-tanaw sa nakaraan, hinahamon ng kasalukuyan, at muling tinatawag upang ipaglaban ang atin pong kinabukasan. Huhubugin ba natin ang kinabukasang ito, o magpapakaladkad na lang tayo sa tadhana?

Ikalabing anim po ng Enero nang magsimula ang paglilitis kay Ginoong Corona sa Senado. Pinili ko pong magmasid at manahimik muna ukol sa isyung ito, at buo pa rin po ang tiwala ko sa proseso. Ngunit ano po ba ang nangyayari sa ngayon? Napakarami pong nagpapalit-palit ng kuro-kuro, na tila sadya tayong hinihilo o inililigaw para mawalan ng interes. Magpapa-etsa-puwera na lang po ba si Juan at Juana de la Cruz sa prosesong ito? Hahayaan na lang po ba natin na iilan ang magdesisyon para sa atin pong lahat?

Iyan naman po ang sadya ko sa araw na ito: Liwanagin ang dapat liwanagin, at ituwid ang isyung pilit dinidiskaril ng ilan, upang ang karaniwang tao ay malinawan at makilahok sa usapan. Simple lang naman po ang tanong na nais sagutin ng paglilitis na ito: Dapat pa ba tayong magtiwala kay Ginoong Corona? Masasagot po natin iyan kung titingnan ang mga katotohanang lumalabas na sa paglilitis.

Pag-usapan po natin ang tinatawag na Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN. Hindi scratch paper po ang SALN: ito po ay sinusumpaan ng bawat pampublikong opisyal. Nakasaad po sa Saligang Batas, sa Article 11, Section 17: Ang isang pinuno o kawaning pambayan, sa pag-upo niya sa katungkulan at sa limitasyon ng panahong maaaring itadhana ng batas, ay dapat magsumite ng pinanumpaang deklarasyon ng kanyang mga ari-arian, pananagutan, at aktwal na kabuuang ari-arian. Sa kalagayan ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Kagawad ng Gabinete, ng Kongreso, ng Kataas-taasang Hukuman, ng mga Komisyong Konstitusyonal at ng iba pang katungkulang Konstitusyonal, at ng mga pinuno ng Sandatahang Lakas na may ranggong heneral o pamandila, ang deklarasyon ay dapat isiwalat sa madla—ulitin ko po—ay dapat isiwalat sa paraang itinatadhana ng batas.

Paano po ba tinupad ni Ginoong Corona ang batas na ito? Ayon sa mismong testimonya ng kanyang Clerk of Court na si Ms. Vidal: sabi po, galing sa isang Binibining Acia, ipapasa ito kay Binibining Vidal, na ibibigay naman sa isang Binibining Albano. Ilalagay po ito sa isang locked—uulitin ko po—isang locked filing cabinet, at huling lalanding sa isang nakakandadong vault.

Tanong naman po: Kailan pa po ba naging bahagi ng publiko ang isang locked filing cabinet? Paano mabubusisi ang laman ng SALN na ito kung nakasilid sa isang vault? Habang lumalabas ang katotohanan, lumilinaw naman ang dahilan ng pagkukubli ni Ginoong Corona sa kanyang SALN. Isang halimbawa po: noong 2010, nagdeklara siya ng cash na 3.5 million pesos. Ayon sa mga testimonya ng Pangulo ng PS Bank at branch manager ng BPI Ayala, sa tatlong account pa lang na naisiwalat sa impeachment, si Ginoong Corona ay may nakatagong 31.5 million pesos na hindi po idineklara.

‘Di ho ba tayong lahat ay mapapasabing: naman. Maliwanag pa po sa sikat ng araw: Ginoong Corona, ang sinumpaan mong salaysay ay hindi tugma sa natuklas na pag-aari mo. Maski saang paaralan po hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, 3.5 million pesos does not equal 31.5 million. Alin po ba ang totoo, Ginoong Corona?

Bago po kayo naitalaga sa Supreme Court, may isang kaso noong 1997 na ang ngalan ay Rabe versus Flores. Tungkol ito sa Court interpreter mula sa Davao Regional Trial Court na hindi idineklara ang pagmamay-ari niyang puwesto sa palengke—uulitin ko po—hindi idineklara ang pagmamay-ari niyang puwesto sa palengke, kung saan nakakatanggap siya ng renta. Dahil daw sa paglabag niya sa RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, inirekomenda ng Office of the Court Administrator na sisantehin si Delsa Flores. Nawala sa kanya ang kabuhayang pinagkukunan ng suweldo at benepisyo.

Sa isang court interpreter, iyan po ang batayan. Magkano po kaya ang upa sa isang puwesto sa palengke? Sa Punong Mahistrado po ba, dapat naiiba? Kung si Ginang Flores po ay sinisante, ano pa kaya ang dapat hatol kay Ginoong Corona? Kailangan pa po bang tanungin kung impeachable offense ang ginawa niya?

Kung wala kang ginawang mali, wala kang dapat itago. Kayo nga po ang tanungin ko: Ganito ba umasta ang isang taong walang dapat katakutan? Pahirapan ang paghagilap sa kanyang SALN, at hanggang ngayon, pilit niyang inililihim ang kanyang mga accounts tulad ng mga dollar accounts. Sabi niya, in due time ilalabas niya ang mga dokumento. Mawalang-galang na po, Ginoong Corona, marami pang naunang taon na nagpasa kayo ng SALN na puno ng katanungan. Kailan po ba ang due time? Mukha po yatang overdue ka na.

Nagpapasalamat ako at nagpapasalamat tayong lahat kina Ginoong Corona at Justice Cuevas, dahil sila ang naging susi sa lalong paglabas ng katotohanan. Dahil sa mga discrepancy sa SALN ni Ginoong Corona, napagtuonang-pansin ang kanyang di pa naipapaliwanag o maipaliwanag na yaman. At noong nanghingi po ng year-end balance ang Senado, si Justice Cuevas pa ang umapela na gawing monthly ito. Sana nga po hindi lamang aksidente ito at tuloy-tuloy na nilang makita ang liwanag. Ngunit sa tinatakbo ng mga pahayag ni Ginoong Corona, mukhang malayu-layo pa bago siya matauhan.

Kayo nga po ang sumagot: sa tingin po ba ninyo, ang Chief Justice ay exempted sa mga batas na kailangan nating lahat sundin? Kapag ba nasa poder na ay bawal nang tanungin, bawal nang usisain, at bawal nang batikusin?

Ginoong Corona, sana naman po ay huwag n’yo na kaming paikutan. Alam naman namin kung bakit ka isiniksik ni Ginang Arroyo sa Korte Suprema: iyan po ay para pagtakpan ang katiwalian niya. ‘Di ba nagsimula lang naman ang lahat ng ito, nang muntik ka nang magtagumpay na patakasin si Ginang Arroyo?

Tandaan lang po natin: Punong Mahistrado mismo ang nagpilit na puwedeng umalis ng bansa si Ginang Arroyo. Ang isinampang kaso ng electoral sabotage, 2007 diumano naganap. Ayon sa batas, mapapaso ito kung hindi makapagsampa ng kaso sa loob ng limang taon. Ibig pong sabihin, sa pagpataw ng TRO sa watch list order natin, binigyan ng pagkakataong magtago si Ginang Arroyo; sakaling natuloy siya sa pagtakas at bumalik ng hindi mas maaga sa Mayo ng 2012, hindi na po natin siya mapapanagot sa diumano’y mga sala niya.

Lilinawin ko lang po: Walang personalan dito; sistemang pangkatarungan ang ipinaglalaban dito. At dahil malaki ang pagbabagong ating hinahangad, malaki rin po ang kinakabangga natin. Tingnan na nga lang po natin ang Defense at Prosecution: maraming batikos ang inabot ng ating prosecution panel; parehas ba ang laban? Alam naman po natin ang napakalakas na impluwensya ng hukom sa ating sistemang pangkatarungan. Nasa kanila ang pasya sa bawat kaso.

Kung nasa Defense ka, ‘di ba’t ngiti ang isasalubong sa iyo ng mga tiwaling hukom, dahil ipinagtanggol mo ang isa sa kanilang uri? Manalo, matalo, panalo ka parati. Kung nasa Prosecution ka naman, simangot ang pambungad sa iyo dahil sa pangangahas mong kalabanin ang Punong Mahistrado. Ipagpapasa-Diyos mo na lahat ng kasong hahawakan mo. ‘Di kaya’t babalot iyan sa isip mo habang naglalatag ng argumento, na itinataya mo ngayon ang pinagmumulan ng kakainin ng iyong pamilya’t anak?

Ang katarungan ay sinasagisag ng isang babaeng nakapiring at may hawak na timbangan. Bulag ang hustisya upang hindi masilaw ng kapangyarihan; patas ang timbangan dahil pantay ang hustisya para sa lahat. Kung ikaw si Delsa Flores, ano kaya ang mararamdaman mo ngayong may isang taong may mas malaking halagang itinago sa kaniyang SALN?

Simple lang naman po ang kailangan nating pagpasyahan ngayon. Papayag ba tayo na magpatuloy ang sistema kung saan may nanlalamang at nilalamangan? Hahayaan ba nating magkatotoo ang sinasabing dalawang mukha ng katarungan sa Pilipinas—isa para sa makapangyarihan, at iba para sa mga nasa laylayan? Kuntento ka bang hindi patas ang laban? Hindi ba sulit na ituwid ang ganitong klaseng kalakaran? ‘Di po ba’t malinaw ang mga alituntuning kailangang sundin ng lahat?

Ang tungkulin natin ngayon ay ibalik ang piring ng katarungan, at gawing balanse ang timbangan. Huwag na po sana nating hintayin na tayo mismo ang maagrabyado. Manindigan na po tayo ngayon.

Maraming salamat po.

Related Posts with Thumbnails

About Orman Manansala

I’m easy to get along with as long as you’re not a dork! Maarte din ako. Ayoko ng mainit! Ayoko ng maalikabok! Ayoko ng walang tubig! Pero type ko ang putik! Gusto mo ako maging friend? Kung kaya mo ka-eng-engan ko then welcome to my world!

Related Posts with Thumbnails

11 comments

  1. Kahit ano pang sabihin ni pnoy di ko talaga sya magustuhan.. hahaha he should stop talking about the impeachment umuusad na eh. this could be a ground daw for impeachment sa kanya, sabi nila.. :)

  2. Sa panahon ngayon ng kagipitan, masyado ng passive ang attitude ng karamihang Filipino sa isyu ng Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials

    Para sa mga mahihirap na mga Filipinona kapit sa patalim, ang pagnanakaw ay nagiging paraan na ng pamumuhay, at sa mga Mayayaman na gusto pang yumaman, oki lang ang magnakaw sa paraan na pwede maging legal sa mata ng mga corrupt officials.

    This is a MORAL HAZARD in our society…. Systemic corruption!
    Hecky´s newest blog post post ..Karaniwan

  3. sana si Noynoy na ang ma-impeach. so he can spend all his time getting back at people he doesn’t like and dating Grace Lee. I am NOT paying his salary for him to act like a child and in the mean time, do nothing for our country. He is very petty and childish. Sana siya ang ma-impeach.

  4. I am paying my obligation to the Government.. And I appreciate what President Noynoy is doing the right things right..

    Yung mga magnanakaw walang Community Tax Certificate

    At yung ayaw kay PNOY sa matuwid na daan ay may gusto sa mga magnanakaw :D
    Hecky´s newest blog post post ..Karaniwan

  5. I am paying my obligation to the Government.. And I appreciate what President Noynoy is doing the right things right..

    Yung mga magnanakaw walang Community Tax Certificate

    At yung ayaw kay PNOY sa matuwid na daan ay may gusto sa mga magnanakaw :D

    Yung mga magnanakaw, nakatago, at may itinatago, ayaw lumabas ng lantaran.. takot sa sariling anino
    Hecky´s newest blog post post ..Karaniwan

  6. He should concentrate on the problems of the country, leave the impeachment trial to the senator-judges, Drilon is doing well at ung iba pa nyang alipores. He is not helping. Kaya nga may trial kasi di pa alam TALAGA kung may kasalanan talaga o wala. Kung may personal man sya na galit kay Corona, itago nya na muna kaya nadadawit ang kaso ng Hacienda Luisita eh. :)
    nanardxz´s newest blog post post ..Be a Campus Radio DJ

  7. @sir hecky, marami cguro sila anu? hehe pero hayaan na natin ung mga judges dyan- un ang purpose nila eh..para anu pa na ginagastos ang buwis ng bayan para sa impeachmnt trial araw2 kung di natin aantayin ung judgement ng mga senator-judges..:)
    nanardxz´s newest blog post post ..Be a Campus Radio DJ

  8. @nanardxz hindi ako interesado sa impeachment trial (whatever is the outcome) no big deal for me — mas interesado ako sa resignation ni Corona para sulet ang ginagastos na buwis sa paglilinis ng mga k_w_tan :D yun ang gusto kung priority program ni PNOY
    Hecky´s newest blog post post ..Karaniwan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


two − = 0

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge