My Midas Marquez Episode

Pinakamahirap sa mga nagpapanggap ay yung nabubuking ka na

Nangyari na saken yan nung nasa PCIBank Cebu pa ako nagta-trabaho

Bagong graduate, pogi, inglisero kaya kelangang paminta-epek muna

Kung maglakad ako noon sa opis aakalain mo talagang macho

Am sure maraming nagdududa noon saken pero kineri ko talaga para wa buking

Pati boses ko well-modulated at malalim — bawal ang falsetto!

Joskoday ang hirap ng buhay — tanging sa CR lang ako nakakapagpahinga

Kahit maraming pogi, feeling pare-pare lang ako — barkada baga

Susme minsang super busy ang career dahil sa deadlines na hinahabol

Sa kasagsagan ng trabaho tinawag ako ni bosing

Agad akong tumayo at mabilis na tinungo si Madam

Aguruy!  Sumabit ang paa ko sa wire ng telepono

Sa pwersa ng pagkahila ng wire, bumagsak sa floor ang buong unit

Major buking moment:  Napatili (hindi sigaw) ako ng malutong na “AAAAAYYYYYY!!!”

Lahat ng tao nakatingin saken — kung pwedeng matunaw that time ginawa ko sana

Walang ako magawa kundi magkunwaring napapaubo

The rest they say is history — kung buking ka na magpakatutuo ka na

Na-prove ko na kahit ano ka pa kung magaling ka keber lang

Para saken never na naging issue ang sexual preference ng tao

Pare-pareho lang tayong umuutot no!

Kaya hayaan na natin si Midas kung anuman ang desisyon nya

At least sya, may CHEERING SQUAD!  Watch nyo ang video agad!

Related Posts with Thumbnails

5 comments

  1. Ang cute!:) nakakatuwa:) macho outside womanly inside 🙂 at least hindi na sya mahihirapan na magtago we all have an “idea”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge