Christmas Is FAT Approaching

eatsterrific

Ang taba-taba ko nang talaga

Yung kilos ko ngayon eh di na gaya ng dati

Kasi ang taba-taba ko na

Kahit anong gawin kong pagpipigil

Kahit anong diyeta pa ang sinunod ko

Ang taba-taba ko nang talaga

Eh Pasko pa ngayon

Nagkaroon tuloy ako ng rason

Para ipagpaliban ang pagpapayat

Lagi kong sagot sa mga pumapansin

“Esmyuski lang!  Pasko po ngayon!”

Christmas is FAT approaching

Panahon ng walang pakundangang kain

Party kaliwa’t kanan — Party doon at dito

Kunyari busog na pero lamon pa rin

At kung papabaunan ng nagpaparty

Tanggap ever pa rin sabay sabing:

“May leche flan na ito?”

Hay naku ewan ko nang talaga

Numero uno kong New Year’s resolution

Ang magpapayat o magbawas ng timbang

Sa sobrang katamaran

Sa sobrang katakawan

Flop ever ang resolution ko

Ngayon pa na may challenge akong tinanggap sa 2012

Nasabi kong kaya ko at madali lang gawin

Huwag ko daw maliitin at baka mag-boomerang saken

Hay naku talaga

Huwag sana akong sumemplang

Kung Christmas is FAT approaching

Sisiguraduhin kong maiiba ako sa 2012

Magiging mahirap pero committed na ako

At dyan, faithful readers, makakasabay ko kayo

Sa Juana Change Challenge na gagawin ko

And that is another STORY to tell…

Related Posts with Thumbnails

3 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge