Tips Para Lalo Kayong Tumaba

taba1

Inaamin ko na ang pinaka-recent na pagpupursiging kong pumayat na itago natin sa pangalang NO-RICE-DIET ay isang malaking  flop.

Oo nga’t nabawasan ng konti ang taba-taba in some places — like sa waistline ko — but over-all, mataba pa rin ako at sobrang over-weight.  Ang blog post na ito ay hindi para enganyuhin kayong magpakataba.  Sana’y magsilbi itong warning sa mga nagsisitabaang tao sa tabi-tabi.  Consider this as reverse psychology.  Basa lang, faithful readers…

  1. No physical exercises please.  Ito ang numero unong dahilan para mapabilis ang pagpapayat mo.  Huwag na huwag kang magpapapawis.  Ansarap kayang humiga lang ng humiga.  Ano ba yang walking-walking na yan uy!  Matapilok ka pa lang eh di ba mas masakit yun.  Sa taba mong yan dapat careful ka na sa mga physical exercises na yan.  Sabihin mong pinagbabawalan ka ng doctor mo na mag-exercise dahil baka madisgrasya ka lang.  Atsaka bakit ka magpapawis aber?  Sa taba mong yan ambantot kaya ng pawis mo kaya huwag mo nang i-share, please lang!
  2. Kain lang ng kain, anuver!  Dati kamo eh matipid ka sa kainan?  Pwes, bumawi ka ngayon.  Tigilan na yang mini-measure pa ang food or calories.  Kain lang.  Tingnan ko lang kung di ka pa tataba nyan.  Walang kang food na iiwasan.  Eat to your heart’s content.  Lechong baboy at baka — go lang.  Eh ano kung magka-diabetes ka?  Ansarap kaya ng  ice-cream, chocolates at kung anik-anik na cakes.  At tigilan ako ng no-rice diet na yan ha!  Lamon lang!
  3. Iwasan ang mga Diet drinks.  Bawal ang mga yan sa buhay natin.  Boycott mo ang Diet Coke, Coke Zero, Pepsi Max at kung anupang light drinks kuno.  Go for the sweetest soda-drink.  Kung alcoholic beverage naman — hay naku mag-red horse beer ka na.  Huwag nang pasosyal-sosyal at mag-sa-San Mig Light ka!  OA mo ha!  Go for the regular variety.  Mas matapang mas okay.  And while you’re at it — order ka ng madaming pulutan!
  4. Huwag magtipid sa pulutan.  Ano ba yang mga peanuts na yan!  Baduy mo ha.  Go for the kill.  Chicharong bulaklak dapat!  Sizzling sisig na nagmamantika na super sarap lalo pa’t may siling labuyo.  Kung may lechong baboy — magpa-prito ka para mas masarap at siguradong matutuwa ang bituka mo nyan.  Beef tapa na may konting taba ang pinakamasarap na katapat ng beer.  Huwag mong intindihin na pulutan ang mga yan — hapunan na yan!
  5. Magsuot ng maluwag na damit.  Unang-una, ampangit mong tingnan kung fit na fit ang damit mo — itago ang “baby” fats mo sa pamamagitan ng loose na damit.  Di ba mas presko and you can move better?  Mas maluwag mas bongga.  And take note — pag maluwag ang damit mo now, may tendency na gusto mong mag-fit sayo — di ba ang galing na pang-encourage para magpataba pa lalo?  Bongga di ba?
  6. Doctors Do Not Know Everything.  Helllooo!!!  Tao lang ang mga doktor.  Hindi nila alam lahat!  Ano ba ang nalalaman nila sa mga feelings ng mga matatabang tao?  Kung maka-diagnose sila akala mo mamatay na tayo bukas.  Pinapayaman lang nila ang mga nagbebenta ng Orlistat at kung anik anik na mga weight-reduction medicines.  Eh ano kung mataas ang blood pressure mo?  Eh ano kung over the top ang cholesterol or blood sugar levels mo?  Wala silang paki.
  7. Itapon ang insecurities about your weight.   Wala ka pang syota?  Virgin ka pa?  Malungkot ang buhay mo?  Nahihiya kang lumabas at mamasyal?  Insecure ka mag-swimming in your swimming attire?  Unang-una, eh ano naman kung tutuong lahat ito?  Busog ka naman at pwede mong kumain kahit kelan mo gusto?  Keber na yang mga insecurities na yan. Ikain mo na lang at happy ka pa.  Virgin ka kamo?  Hay naku malay mo may premyo eventually ang mga virgin eh di ikaw ang panalo.  Di ba ang saya?

Alam nyo na habang sinusulat ko ito — natatawa ako at naiinis sa sarili ko.  Alam ko na kung gusto kong pumayat — magsisimula saken yan.  Kung mahal nyo ang sarili nyo — you don’t have to be super-thin.  Just be healthy.   Eh ano kung mataba ka?  Take that single step to changing your life.  Mahirap yan pero nakita nating kinaya ng mga contestants ng BIGGEST LOSER.  Good luck sa lahat ng mga matataba.

Related Posts with Thumbnails