Tips Kung Papanong Labanan Ang Hiya

 banned

Akala ng karamihan hindi na ako tinatablan ng hiya.  Sa dami daw ng nakakakilala saken, expected na banat na lang ako ng banat dahil buong-buo na daw ang self-confidence ko.  Well, dyan kayo mali kasi tinatamaan pa rin ako ng hiya from time to time.  Normal ba ito?  Oo naman.  Kini-carry ko lang talaga para in the end eh nagagawa ko ang dapat gawin.

  1. Knowledge is Power.  Sabi nga ni Ernie Baron: “Kung walang knowledge… walang power!”  Usually kasi kulang tayo sa kaalaman kaya nahihiya tayong umarangkada.  Sa mga situations na kailangan kang mag-prisinta in public dapat alam na alam mo ang subject matter.  At pag kumpleto ang alam mo mas confident kang humarap sa tao.  Pinaghahandaan ito at hindi inaalam ng overnight lang.  Kung magpapa-interview ka, halimbawa, hindi lang about the position ang inaalam mo dapat pati ang company na inaaplayan mo eh na-research mo din.  That shows talaga na interesado ka sa kanila and that spells “pogi-points” for you.  Kung manliligaw ka, basically ganun din ang preparations mo dapat – alamin mo about sa susuyuin mong babae o lalake and isabay mo na ding alamin about their family.
  2. Practice Makes Perfect.  Some of you might laugh but I make it a point na pinapraktis ko ang presentation ko in front of the mirror.  Ngayong madali nang mag-video using cellphones then go for it.  Review mo kung alin dapat ang babaguhin mo or dapat mong i-improve.  Almost always, nasa delivery talaga bebenta.  Hindi ka dapat over-acting or yung bang parang mamatay ka pag di ka nakabenta.  Chill lang.  Relax.  Say it as natural as possible.  Use your charms.  Exposure lang talaga ang kailangan dahil sa umpisa lang yan nakaka-praning.  Once you get the hang of it, hindi ka na mahihiya the next time around.
  3. Dapat Laging Handa.  You just don’t know it at bigla kang iri-request na mag-speech or mag-lead-the-prayer or iinterbyuhin for TV or radio or ipakikilala sa mga VIPs or parents ng nililigawan mo.  Nakabihis ka ba ng maayos?  Nagsuklay ka ba ng buhok?  Nag-ahit ka ba ng bigote?  Kahit gaano ka kahanda in terms of knowledge and preparations pero di ka pala nakapag-ayos for the occasion — susme sandamakmak na hiya talaga ang kakabog sa puso mo.  Make it a habit na before leaving the house eh handa ka sa anumang possibility.  Meaning — maligo ka at magsipilyo and dress appropriately.  You can dress casually yet look presentable.  Remember, first impressions last!  Kaya importanteng kaaya-aya ang itsura mo all the time.
  4. Constructive Criticisms Are Welcome.  Ito ang mahirap tanggapin palagi.  Pag pinupuna tayo nasasaktan na tayo agad kaya tuloy lalo lang nababawasan ang self-confidence natin at lalo lang tayong mahihiya the next time around.  Dapat maging handa ka sa mga komento ng ibang tao.  Consider it as part of your learning curve when other people react constructively.  Take note na may mga negative comments ka ring maririnig.  Huwag kang affected again.  Process it and learn from it.  Kung nabasted ka sa panliligaw mo try to discover kung san ka nagkamali — baka sobrang torpe ka or presko.  Kung di mo na-close ang deal — baka naman over-bearing ka naman masyado.  When you’ve come to the point na welcome na sayo ang criticisms and willing kang magbago for the better then makakalimutan mo na ang salitang HIYA.
  5. Pray for guidance and strength.  Divine intervention can do wonders.  Pero siempre may kasabihan:  God helps those who help themselves.  Gawin mo ang apat na tips sa taas then saka ka magdasal.  Huwag nang magpaligoy-ligoy pa when praying.  Hilingin mo na gabayan ka sa kung anumang gagawin mo.  Since you’ve prepared for it all you need now is spiritual guidance.  More often than not, nakakaligtaan nating gawin ito.  Kaya tuloy nabubulilyaso ang diskarte.  Some of you might not agree but for me, pinaka-importanteng humingi talaga ng tulong sa Diyos.
Siguro naman after reading this eh mabubuhayan na ng loob ang mga mahiyain or yung mga kabado palagi.  Preparation lang ang kailangan dyan.  Kung nakaya ng iba am sure kayang-kaya nyo rin.  Good luck, faithful readers and God bless.
Related Posts with Thumbnails

2 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge