Dalawang Taon Ng Royal Gandaness at Heaviness

Kahapon nag-celebrate ng pangalawang taon ang GandaEverSoMuch.com.  Kung dati eh parang pampalipas oras ang pagba-blog saken ngayon naiba na.  Naging parang extension ng aking royal kagandahan at kabigatan ang mga nababasa dito.  Tuloy, bawat kabanata ng makulay kong buhay ay alam ng buong bayan.  Maraming nagpapadala ng email messages telling me na sobra silang napasaya ng mga blogposts ko.  Siempre nakakataba ng heart ang ganitong mga comments.  Meron din namang mga atribidang feeling-magagaling kung umarangkada.  Okay lang saken ang mag-criticize pero naman — ANONYMOUSLY?  Ano kayo, siniswerti?  And since ako ang may-ari ng blog na ito — mamatay kayo sa ngitngit at hindi talaga maaaprubahan ang mga comments nyo.  Ayokong ma-stress!

May mga nagtataka kumbakit less emo ang mga posts ko lately — ay sus kabarus!  Balanse naman kasi ang lovelife ko lately.  Thanks most especially to Mr. Ducky.  After four “failed” relationships in a span of almost fifteen years heto ako’t umaasa uli na sana (naman) eh umayos na nga ang roller-coaster kong lablayp.  Kung dati eh kalimitang ako ang bigay ng bigay, ngayon naman naguumapaw ang love mula kay Mr. Ducky — at hindi po yan materyal na bagay… tunay na love yan.  Sarap ng feeling ever.  Ngayon ako talagang naniniwala that love is comes in the most unexpected body crevices!  Hindi ako perfect na partner but I do try my best to give back the love that I receive.  Hindi pwedeng iisang tao lang ang masaya sa isang relationship.  Ano ka, alila?  Dapat pareho kayong happiness ever!

Paminsan-minsan din eh may nababasa kayong updates tungkol sa trabaho ko.  Most of the news I write about the work-front is basically happy news.  Eh kasi naman happy ever naman akong talaga.  Dito ko talaga nagamit ang lahat ng nalalaman ko bilang banker.  It helped that very supportive ang mga bosing saken.  Kung gaano nyo akong nakikitang all-over-the-place at napakaraming ginagawa — priority ko pa rin ang pinanggagalingan ng kabuhayan ko.  Whatever I share to you (cash and in-kind prizes), my faithful readers, ay mula sa katas ng trabaho ko.  Ang punto ko dito:  You have to love what you do in order to succeed.  Alisin ang ugaling-bano and you will definitely go places.  Sabi ng iba, maswerte lang daw ako… Isa lang ang sagot ko dyan… Madasalin kasi ako!  Yun na yun!

And finally, kahapon sinubmit na namin ang Liquidation Report ng Kalilangan Festival 2005. Isa sa pinakamadugong experiences ko ang nangyari noong 2005.   Yun ang taon na tinapakan at dinuraan ang pagkatao ko dahil sa paninira ng iilan.  Kahit masakit I just kept my peace.  Sa tulong ng tapat na kaibigan sinagot namin ang lahat ng reklamo.  Unfortunately, nabahiran na nga ako so may mga certain quarters na hanggang ngayon eh tae pa rin ang tingin sa akin.

Well, I cannot please everyone.  Bahala na ang karma sa inyo.  Ang punto ko dito:  Huwag tayong mapaghusga ng kapwa natin lalo pa’t kulang naman ang impormasyon na nalalaman.  Natapos ang piyestang yun…madaming natuwa…natanggap ng mga nanalo ang mga premyo at higit sa lahat malinis ang konsensya namin.  And with that, I now close this chapter in my life and will move on.  Mas marami pa akong magagawa para sa Gensan — yan ang commitment ko.  In the meantime, smile na lang ever para hindi masira ang pagka-ganda ever!  Dakal Salamat, Faithful Readers!

Related Posts with Thumbnails