Bastos Ka – Walang Galang

courtesy of the internet

 Sabihin na nating tungkol ito sa freedom of expression

Sabihin na nating tungkol ito sa artistic freedom

Ito lang ang masasabi ko:  Bastos ka at Walang Galang

At huwag nyo akong paaandaran na self-righteous ako

Huwag nyo akong tatawaging walang alam sa arte at kultura

Karapatan ko rin ang mag-react sa kabastusang ito

Katoliko ako at kahit anong pagpapasensyang meron ako

Ay hindi kinaya ang pambabastos ng gawang ito

Hindi ako nagmamalinis at hindi ito tungkol sa akin

Tungkol ito sa sensibilidad ko bilang tao

May nabasa ako sa FaceBook na OA daw ang reaction na kagaya ko

Lalo lang daw nating pinasisikat ang may akda kapag pinuna pa natin

So ganun na lang?  Pabayaan na lang natin? Dedma na lang?

So mas okay maging parang si Pontio Pilato at maghugas ng kamay?

OA na kung OA?  At least ako ay may pinaninindigan

In the end pinatigil ang pagpapalabas at may umalma pa din

Kanya-kanyang raket na ito — kanya-kanyang paninindigan

Ang importante para sa akin eh may patunayan ako

Pinalaki ako ng mga magulang ko na hindi bastos

Related Posts with Thumbnails