Pwede Namang Mainggit Uy!

walang kinalaman si shrek sa blogpost na ito.

walang kinalaman si shrek sa blogpost na ito.

Tao lang tayo.  Naiinggit din.  Okay lang namang mainggit.  Basta’t nagiging daan ito para magsumikap ka lalo para maabot mo ang pangarap mo.  Ito ang mga kinaiinggitan ko sa ibang tao.  Read on, faithful readers…

  1. Nakakainggit ang mga payat na tao. Madali para sa kanila ang pumili ng damit.  Madaling makisabay sa uso sa fashion trends.  Kahit may gusto akong bilhin na damit — chances are, walang magkakasya saken.  Nakakainggit ang mga payat at balingkinitan ang katawan kasi anytime kaya nilang gumawa ng physical activities like swimming, biking and mountain climbing.  Kaya ko naman mag-swim kaso di ko kayang idisplay ang katawan ko ng ganun-ganun na lang.  Nakakainggit silang lalo kapag todo na silang kumain pero di pa rin tumataba.
  2. Nakakainggit ang mga talentadong mga tao. May talent naman ako.  Pero hindi kasama dun ang pagkanta, pagsayaw o pagtugtog ng musical instruments.  Dito ako naiinggit sa mga taong sobrang galing umawit, sumayaw o tumugtog.  Lalo pa’t may gusto akong awitin pero uber taas ng nota.  Kaasar kapag pumipiyok na ako.  Sa sayaw naman nakakainggit yung magaling gumiling sa stage tapos biglang tatambling!  And my biggest inggit ever is reserved for people who can play the guitar so well.  I should have pursued my guitar lessons noon…kaines!
  3. Nakakainggit ang mga marunong magmaneho. Ang ganda nga ng kotse ko eh hindi naman ako marunong magmaneho.  Gustuhin ko mang mamasyal anytime di ko magawa kung wala ang driver ko.  Kaines!  Sabagay kung marunong akong magmaneho baka kung saan-saan na ako lumandi.  Eh ang landi ko pa naman.  Hmp!  Mas mabuti nang bopol ako sa pagda-drive uy!  Otherwise, andami ko na sigurong naging syota!
  4. Nakakainggit ang magaling magluto. Marunong naman akong magluto pero hindi ako magaling.  Pansinin nyo gud yung parang wala lang kung magluto.  Parang namamasyal lang sa mall at hindi man lang makitaan ng stress o tension habang nagluluto.  Tapos walang ginagamit na cooking instructions!  Ano ba yan sila uy mga magician?  Alam nila kung ilang minuto dapat lutuin at anong bagay na ingredients doon at dito.  Hay naku!  Mamatay ako sa inggit sa kanila.
  5. Nakakainggit ang mga marunong gumamit ng PHOTOSHOP! Ito talaga ang malaking frustration ko sa creative and artistic buhay ko.  Nagsisimula pa lang ako noon sa paisip-isip ng layout eh hindi pa uso yang photoshop na yan.  Nagli-layout ako noon using Publisher.  Akala ko bonggang-bongga na ako!  Sus kabarus!  Nauso si photoshop — ang hirap pang aralin!  Pisting-yawa!  Magpa-layout na lang ako uy!  Buti na lang inborn ang creative talent ko…char!
  6. Nakakainggit si Professional Heckler. Ang dunong-dunong nyang magsulat.  Ganyang klaseng pagsusulat ang gusto kong ma-attain.  Kaso kung PhD na si Professional Heckler — kindergarten pa din ako kung ikukumpara ang klase ng pagsusulat ko.  Kahit man lang katiting na galing nya ang mahawaan ako, oks na ako.  Kaso ni hindi ko siya relative.  Ayoko naman syang maging relative.  Ampogi nya kaya.  Boylets na lang.
  7. Nakakainggit ang mga uber-yaman. Kung makabyahe hindi lokal.  International trip ever at walang pakialam kahit isang taon na bumabyahe.  Parang hindi nauubusan ng pera ang mga mayayamang ito.  Kung makapag-shopping naman akala mo wala nang bukas.  Swipe ng swipe ng credit card na parang walang hangganan ang yaman.  Pansinin nyo din na walang mayamang swangit kasi afford nilang magpa-retoke.  Ang sasakyan na gamit papalit-palit.  Sheesh!  Kainggit.  Mabuti na lang maganda ako!

Am sure pagkatapos nyong mabasa ito iisa-isahin nyo rin ang kinaiinggitan nyo.  Okay lang yan.  After doing that make sure na humarap kayo sa salamin at saka bigkasin ang mga katagang ito:  “I may not be perfect but I love myself.”  Ulitin mo ng sampung beses.  Huminga ng malalim at saka sabihing:  “Keber nang hindi ako perfect — at least kaya kong magbayad ng driver!”  Palitan nyo lang ang linyang naka-underline ng panlaban sa kinaiinggitan nyo.  O di ba bongga?  Tuloy lang buhay.  Nobody’s perfect!

Related Posts with Thumbnails

17 comments

  1. Ok ako sa #1 and 2. Ako yan hehe pero bopols na ako sa 3-7 =)) Matagal ko na pinaplanong mag-driving lessons, pero hindi matuloy-tuloy. Kainez!

    Nobody’s perfect naman. Hindi bale, madiskarte naman akong bata kaya keri na yan hihi 😛
    Micamyx´s newest blog post post ..Kuro-Kuro sa Araw ng Kalayaan

    1. @Ria Jose — mare inggit ako sa galing mo sa pagsusulat and siempre yung pagpa-podcast mo… whew! and when you’re really at it — mega napapa-tumbling ako when you update all your different blogs at one instance!!! kung di pa kainggit-inggit yan ewan ko na!

  2. ako din sa #5 🙂 kakaingit si rabsky at si alexis ang galing nila d2, nag-tutor ako neto pero napaka-slow learner lang talaga ako.. hahaha artist of the year pa naman ako nung hyskul lol 😀

    1. @nanardxz — hay naku bopol talaga ako sa photoshop na yan ah! kakaines! pero may kasabihan nga na “you can’t have everything” kaya tanggap ko na sa KAGANDAHAN lang ako mayaman! hahahahaha!

    1. @lynette G. — hehehe celebrity blogger ged? salamat manay — i try hard not to be taray pero minsan lumalabas pa ring talaga! hahahahhaa!

  3. perhaps this is the best blog i’ve read in ages. it has the most humor and universality in it. love reading your blogs so keep them coming…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge