Don’t Sweat The Small Stuff

We were having dinner at Jollibee (Robinson’s Place) minsan and I was enjoying what I ordered.  Natapos ko na  ang pahabol na  chocolate sundae pero di pa rin na-serve ang chicken bucket na inorder ng mga kasama ko.  When we called their attention, they came back saying that our order was interchanged (and was given to another customer) thus we have to wait for thirty minutes.  Okay lang sana kung hindi kami hahabol sa Last Full Show sa Robinson’s Movieworld kaya na-stress kaming bigla.

Yawyaw ever so much ang nag-treat ng dinner namin — simple lang ang sinabi lang ng asawa nya: “Don’t sweat the small stuff…” Just the same hindi na nakatiis ang nag-treat ng dinner samen who went  to the cashier to complain.  In the end (after 30 minutes nga) we got our actual orders and much more — the Store Manager gave us free ice cream sundaes.

Now that I’m writing this napapaisip ako.  Parehong may punto ang mag-asawa.  Yung husband was more laid back choosing to just let the incident pass.  Para sa kanya, it was not worth the trouble — tutal aware na ang Jollibee na may complaint na kami kaya hintayin na lang ang order.  Hindi ka pa stressed emotionally.

Para sa friend ko naman hindi pwedeng makalusot ang kapalpakan ng cashier.  Ipaglalaban ang karapatan ng customer and drama nya.  Uminit ang ulo nya… Nagyawyaw pa siya sa nasa counter… Sira tuloy ang poise.   Baka yung sinerve pa na food baka kung ano na ang ginawa ng taga-kitchen.

Pero alin ba talaga ang tama?

Agree naman ako na ipaglaban ang karapatan ng consumer but shit happens.  In our case, nagkamali sa pagbigay ng order kaya delayed ang samen.  Pero to allow yourself to be taken over my your “inis” is kinda off.  Tutal nagcomplain ka na eh.  Then maghintay na lang.  After our orders arrived, nakakain kami and we still had enough time to spare para makahabol sa last full show.

Don’t sweat the small stuff.  Control your temper.  Life will be easier.  Yun lang.

Related Posts with Thumbnails

8 comments

  1. Sometimes these establishments need customers to complain in order to improve their customer service. Mahirap kasi minsan tumahik na lang.

  2. as time goes on, and age takes a grip; i’ve learned not to sweat the small stuff… but to add note, jollibee has become incompetent with their service…

    1. @gensanite — tumatanda na tayo so medyo kalmante na dapat… and yes, Jollibee has somewhat lost its magic touch… parang pagod na ang service…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge