Tips Para Maging Matatag Ang Bagong Relasyon

walang kinalaman ang picture sa blogpost na ito

walang kinalaman ang picture sa blogpost na ito

Matapos kayong gulantangin ng bagong pahina ng aking love life two weeks ago — I am back with a vengeance.  Ooopss… bago kayo magisip na naunsyami nanaman ang buhay-pagibig ko — huwag kayong magalala.  Pulang-pula at kulay rosas pa rin ang lablayp ko.  In fact, pwede na kaming langgamin sa kaswitan namin.  Gusto ko lang i-share sa inyo ang mga bagay-bagay na sa tingin ko ang nagpapatatag ng mga relationship ngayon.  Basa lang, faithful readers…

  1. Get to know each other better. Dito kelangang mag-effort ka talaga.  Hindi po nahuhulog galing sa langit ang information na kelangan mong malaman about your partner.  Huwag kang mahiyang magtanong.  Kung mahal mo nga ang syota mo tama lang na kilalanin mo sya ng lubos.  Keep your communication lines open.  Know your dyowa’s innuendos.  And siempre pa dapat na open ka din na i-share ang sarili mong information sa kanya.  Dito talagang mabubuo ang tiwala nyo sa isa’t isa.
  2. Magtext from time to time. But remember na hindi ito dapat gawing na parang commandment.  Texting should be sincere.  Huwag kang makulit.  Hindi ka dapat napipilitang mag-text dahil required ng syota mo yan.  Susme stressful noon na kelangang mag-text kung asan ako.  Ngayon, appreciated ko nung sinabi ng partner ko na di sya magti-text kapag nasa work ako.  Ako tuloy ang naghanap ng text messages nya.  Kaya it comes out naturally na i-text ko sya ng kung anik-anik.
  3. Express yourself. Huwag kang kuripot sa pagbigkas ng pagmamahal mo.  Be spontaneous.  Nararamdaman yan eh.  Ako kasi yung taong very expressive.  Naunang akong mag-I-love-you sa partner ko.  Sya naman took his time.  Akala ko nga one-sided lang eh.  Pero nung binigkas na nya yun para akong nakarinig ng fireworks!  Since then, we have not stopped telling each other how we feel.  Corny man pakinggan but believe you me — it works wonders to a relationship.
  4. Pangalanan nyo ang isa’t isa. Find your term of endearment for each other.  Mahal.  Honeybunch.  Love.  Baby.  Trial and error yan.  We went thru the same process until I settled to calling my partner “hun,” “lov” and “ninz.”  Pag nalaman nyo ang tawag nya saken, matatawa kayo.  Pero para saken umangat ang relationship namin ng isang level when we started using our term of endearment for each other.  Tawag nya saken “bok,” “lav” and “my princes*.”  Kalurkey ang last!!!
  5. Alamin mo ang nagpapatawa sa kanya. Sa tingin importanteng malaman mo ang nagpapatawa sa partner mo.  Hit and miss ang effort na ito.  Pero kapag nalaman mo na magiging mahalaga ito sa buhay-pagibig mo.  And ang sarap ng pakiramdam pag napapatawa mo ang mahal mo.  Ang gandang pakinggan ang malutong nyang tawa and siempre lalo lang napapalapit sya sayo.  And ang kagandahan nyan, it’s a never ending process of discovering what makes your partner happy.  And yes, kelangan ding malaman mo ang mga ayaw nya because this will come in handy too.  For now, think positive thoughts.  Hanapin mo muna ang kiliti nya.
  6. Telebabad ng Sun-to-Sun. Habang meron pang unlimited calls ang Sun — magtelebabad na.  Honestly, mega-tamad ako sa ganitong siste.  Pero ngayon, hindi pwedeng matapos ang araw na di kami naguusap.  And what do we talk about?  Anything.  Walang rules.  Walang structure.  Just let it flow.  Sa isang long-distance-relationship, importante talaga that you keep in touch.  And siempre talking with each other further cements the relationship.  Minsan nga wala kaming ginawa kundi tumawa lang ng tumawa.  We even  tried doing phone-se* pero pumalpak…. hehehehe!  Hindi na kami bagay — isa pa, di sya marunong!  Hahahaha!

Kalurkey di ba?  Parang hayskul lang.  Hindi naman pala kelangang maging complicated ang relationships natin.  Nasa atin lang kung gusto nating maging stress-free ang buhay-love natin.  Parang hayskul lang.  Yun bang kahit tipid sa budget pero kakilig-kilig ever pa rin.  Let’s fall in love again!

Related Posts with Thumbnails

7 comments

  1. parang ang hina ng pickup ko ngayon, anong ibig sabihin ng “ninz”?

    buti naman everything is doing well 🙂

    ito yung stage kasi ng relationship na super dami ng kilig moments… yung getting to know each other. hope bigay ka ng pointers about how to sustain intimacy or lambingan within a relationship na tumatagal na… coz dba? ang hirap magmaintain ng relationship na andun yung spark. minsan parang mani mani lang… pero may point na parang masasabi mo na “ay parang normal na lang lahat”, parang nagiging routine na lang.

    very nice pointers. 🙂 till next blog entry 😉
    Tessa´s newest blog post post ..Skin Care and Make Up Haul

  2. like ko yong “bok” relate na relate ako doon. agree about everything. kinikilig talaga awaiting for photos soon. . . eeyyyyyyyyyyyyy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge