Mga Obserbasyon Ko Sa Mga Bikini Open Churva

walang kinalaman ang picture sa blogpost na ito

walang kinalaman ang picture sa blogpost na ito

Kung dati eh namumukod-tangi ang Bikini Competition dito sa Gensan — ngayong taon sangkaterbang pakontes ng mga hunks at seksi ang nangyari hindi lamang dito kundi sa iba’t ibang venue labas ng Gensan.

Whether you like it or not, isa sa pinakamadaling ibentang beauty kontes eh itong bikini competition.  Sadya lang sigurong malalantong ang mga Pinoy at talagang mahilig makapanood ng mga halos-nakahubad ng lalake’t babae sa stage.  Kaso nga lang may mga bikini contest na kapuna-puna ang kapalpakan.  Heto ang mga observations ko…

  1. Suit up. Nope.  Hindi ko po pinagbibihis ang mga contestants.  Dahil bikini contest ito dapat lang na matipuno ang katawan ng mga lalake at talagang sexy ang mga babae.  Kaya kung interesado kang sumali eh tingnan mo muna ang sarili mo sa salamin na nakahubad ka.  Kung namumutok-tangi ang mga bilbil mo o di kaya’y hindi ka pa hinog para idisplay ang katawan mo eh please lang huwag ka munang sumali.  The Pilipino audience can be cruel — lalaitin ka to the max lalo na’t kitang-kita na palakasan lang ng loob ang basehan kaya ka nakasali sa contest.  And please lang, it’s so painful to see contestants onstage na walang karapatang rumampa — nagkakasala tuloy ang nanonood dahil sangkaterbang lait ang nangyayari.
  2. Balansehin nyo naman. Napansin ko rin na may mga male contestants na pinaghandaan ang ganitong pageant.  Nag-gym, ‘ika nga.  Halos namumutok ang muscles sa dibdib and putok-putok din ang abs nila.  Kaso pagdating sa mga paa — susme wala kang muscle na makikita at ang payat tingnan.  Ang sagwa tingnan.  May mga girls naman na inubos na siguro ang papaya soap sa mukha at kinaligtaan naman ang ibang parte ng katawan na nangingitim.  So ang ginagawa is mega-foundation ever sa buong katawan.  Ampangit talaga tingnan.
  3. Hindi ito body-building contest. Okay naman na may muscles ka pero please do away with poses na para kang si Arnold Schwarzenegger. Bikini competitions are basically like a fashion show where contestants walk the ramp and show how they look  wearing swimsuits.  Huwag nang ipakita ang kilikili at stop the pumping-while-posing onstage.  Kadiri kaya.  Nagmumukha tuloy gay bar minsan ang stage.  And some lady contestants tease the male audience pa by their facial expressions.  Ansarap tapunan ng monay!
  4. Hindi swimsuit ang T-Back. May mga producers ng bikini competition na hinahayaan ang mga contestants na magsuot ng kung anik-anik na swimsuit.  Bad decision.  Dahil dyan, magsusuot ang mga yan ng pinaka-attention grabbing na swimsuit.  If you think it’s sexy, sori na lang because I call it bad-taste and cheap.  Imagine an eye-patch.  Now imagine it as the bottom portion of a ladies’ swimsuit.  Kung di bastos yan, ewan ko na.
  5. Piliin nyo naman ang contestants nyo. Andaming recycled na contestants.  Siguro naman may Facebook kayo and am sure that in one way or the other na-tag kayo sa mga pictures ng Bikini competition.  Malalaman mo na agad kung sino-sino ang sumasali.  Isa pa dapat disqualified na ang mga MAIN winners na sumasali pa uli sa ibang contests.  Anong drama nila?  Hakutin ang lahat ng korona?  Mabuti sana kung manalo eh kung natalo?  Di ba mas nakakahiya yun?
  6. Mag-effort naman sa pre-pageant pictorial. If you have the audience in mind, sa umpisa pa lang ay pinakikialaman na ng producers ang pre-pageant pictorial.  By this time, may mga official candidates na so dapat lang na ang gagamiting swimwear sa pictorial eh galing na sa producers.  Ito kasi ang paunang pampagana para maraming umatend ng pageant nyo.  Eh kung nagmumukhang bano ang mga pictures — naku lalangawin ang bikini contest nyo.
  7. Huwag naman dragging ang show. Any pageant should run for two-three hours, tops!  And a bikini pageant should even be shorter dahil wala dapat Question & Answer Portion ito.  Dapat ding makontrol ang mga contestants tuwing rarampa sila.  May isang competition na inubos ng isang pares ng contestant ang isang buong music sa kapoposing nilang dalawa sa stage.  Hindi naman tama yun.  Halata tuloy na hindi pinaghandaan ng husto ang competition.  Producers owe it to your audience to give a good show.
  8. Esmyuski pakialaman ang stage. May isang bikini pageant na winok-awtan ko dahil hindi na talaga namin makita ang mga contestants lalo na nung rumampa na sila.  Eh papano naman kasi almost ground level na ang stage ramp nila.  Sa dami ng tao puro ulo na lang ang nakita.  May stage nga pero hindi naman nagamit ng husto.  Hindi kailangang maraming palamuti ang stage ng isang bikini competition.  Minimalist ek-ek okay na dahil ang focus ng tao eh sa mga hunks and babes.  So tigilan ako ng maaarteng disenyo na nakagulo lang sa mata ng nanonood.
  9. Award the cash prizes right after the show. Para hindi kayo ma-Bombo at walang magrereklamo then pay-up right after the show.  Hindi na problema ng mga nanalong contestants ang mga dahilang hindi pa na-release ang funds or kung anik-anik na rason.  Just pay up and be done with it.  The longer the cash awards are released mas magkakaroon ng isyus ang show nyo.
  10. After-pageant gimmick. Dapat lang na may gimik right after the show or you’ll end up with an audience na bitin na bitin.  Hire a live band or a music DJ.  Ituloy-tuloy lang ang gimikan para enjoy lahat.  You can even require the contestants to be the featured “guests” and do ledge dancing — siempre ibang talent fee na for them yan.  It might be “costly” but it will certainly add flavor to your after-pageant gimmick.

Ayan ha — libreng consultation yan para sa mga nagiisip na mag-produce ng Bikini competition.  Come up with a credible show and people will talk about it and it will eventually become popular.  Yun lang at babush.

 

Related Posts with Thumbnails

9 comments

  1. whatever happened to our city ordinance – Gender and development?
    makapikit na lang siguro mata ng taga-city council.

  2. Very agree ako with your observation #5 Sir Ormz. Sana kahit sa mga hindi pa nanalo eh wag nalang hayaang sumali ulit. Yung iba kasi, kapanahunan ko pa, till ngayon anjan parin. “Nagbabasakali” Lol. Yung iba naman, nagsawa na mga tao sa lugar nila kaya dito naman mag aapply ng pagiging “Veteran sa stage” hehe Ako tanggap kong 2nd runner up lang ako haha! Tama na yun 🙂

    Yang website ko Sir, inactive nayan, di kasi kayang ma-read ang gamit kong

    http://dinolapiz.weebly.com

    Had fun reading 🙂
    Dino Tan Lapiz´s newest blog post post ..Fan Signs

    1. @chinchan — marami pang ibang blogposts sa archives section na sa tingin ko matutuwa ka lalo… check out the TIPS EVER CATEGORY… thanks for visiting…

  3. am sure may tinamaan sa mga observations ko… walang personalan… opinyon ko lang ito. buhay nyo yan and i don’t care whatever you do with it. para di kayo masaktan eh di wag na kayong magbasa ng blog posts ko. ganun lang yan kasimple.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge