How To Make The (Long-Distance) Loving Fun

Mr. Ducky decided to move to Gensan last October 2012

Mr. Ducky decided to move to Gensan last October 2012

Nasabi ko na sa sarili ko — after two failed long-distance romances — never again!  Pero heto nanaman ako at nagbabakasakaling makabuo uli ng pagmamahalang walang-hanggan.  Yes, Virginia — His Royal Gandaness is in love again and this time around to a fellow Mindanaoan.  Nasubukan ko na ang Visayas na tumagal ng tatlong taon at Luzon na natapos bago man lang pumatong ng dalawang taon.  Siguro naman sa kapwa anak-Mindanao eh swertehin ang lablayp ko.

Am sure may nakataas nanaman ng kilay dyan at kesyo hindi na ako nadala.  Maraming mga kaibigan ko na ang advice saken eh pumili na ng taga-Gensan.  Halllleeerr??!!   Gustuhin ko man eh wala naman yatang interesado.  Isa pa I’m too “out-there” for comfort.  Either natatameme ang pwedeng maging syota locally or baka nai-intimidate saken.  And huwag akong sisihin na baka nagmamaganda lang ako at naghihintay ligawan.  Halllleeeerr uli!!!  Sa tanda kong ito ako na dapat ang nanliligaw.  Kaso wala talaga.  Dats layp, ‘ika nga.  Until I met the ONE lately.  And take note walang sparks at the first meeting.  Akala ko one bang and good bye moment uli ito pero naiiba.

I’m may not be an expert about long distance relationships but at least I’ve gone through it para mai-share ko ang mga tips na ito para lalong lumago ang pagibig across the miles.  Like it or not maraming mga magsing-irog na malayo sa isa’t isa.  May mga napurnada at nagkahiwalayan pero maraming ding lalong lumalakas ang samahan despite the distance.  Heto ang mga pwedeng gawin para patuloy na uminit ang pagmamahalan ng mga nasa long-distance relationships.  Basa lang, faithful readers:

  1. Terms of endearment. Korni man sa pandinig ng iba just go right ahead and choose your “lambing-call” for each other.  Trial and error sa umpisa until you’ll eventually find the right word.  Tawag ko sa kanya is a simple “LOV” and I refer to him as “MR. DUCKY.”  He calls me “LAV” and refers to me as “BOK.”  Importante ito lalo na sa mga nagsisimula pa lang sa long-distance relationship.  Ang tawag ko dito eh “lambing-call” nga kasi lalong lumalakas ang lambingan pag yan ang gamit.  Word of advice:  Huwag gagamitin ang endearment na ginamit na sa dating dyowa o syota.  Ano ka – bakle?  Choose a special term for the present love of your life, ano!  And humanda ka kapag tinawag ka na sa FIRST NAME mo or apelyido mo… malamang galit yan!
  2. Keep the communication lines open. Find ways to contact each other.  Siguro naman may cellphone ka.  Mag-text or mag-call.  Mag-sun-to-sun!  Unlimited na, libre pa ang call and text!  More importantly stay in touch and keep each other abreast of what you’re doing.  But you have to understand each others’ schedule.  Kung may work then bawasan ang pagti-text — wag makigulo at baka ma-stress ang syota.  Huwag ding umarte na parang stalker.  Kung di man masagot ang text or call mo — huwag agad magduda.  Love will conquer all.  Akala ko di ko magawang tumawag before the day ends… now, it’s our standard good-nite activity — telebabad ng sun-to-sun ever so much.  Ang saya-saya!
  3. Discover little things about each other. Huwag mahiyang magtanong.  Tanong lang ng tanong.  At kung mahal ka nyan then sasagot lang yan with spontaneity.  Ang nagustuhan ko sa syota ko ngayon — ang sipag magtanong.  And most of his questions are about me — mga gusto ko’t ayaw and kung anik-anik na feeling ko eh lalong magpapatibay sa relasyon namin.  And ang siste, each time he asks me eh napapatanong na din ako.  Take note however na may mga sagot na hindi mo magugustuhan.  Take it in stride.  Mas lalong dapat mong malaman ang mga bagay na ito para hindi ka na magugulat in the future.
  4. Say it.  Say it. Huwag maging kuripot sa pagsabi o pagbigkas ng mga katagang “I love you” o “Mahal kita.”  Madaling sabihin ito pero to say it with feelings is different.  Mahahalatang nagpepeke ka kaya’t huwag mo nang subukan.  Saying “I love you” also affirms your feelings for each other.  Kaya’t when you have the chance to say it — ulit-ulitin mo.  You are actually endearing yourself to the other when you do that.  Take note na ibang ang pagti-text ng “I love you” kesa sa pagsabi nito pero go right ahead and text the words pa rin.  And always end the day with those powerful affirmation of your love for each other.
  5. Surprise each other. In all my past relationships ako ang palaging nagbibigay sorpresa.  In all intents and purposes, ganun din ako sa ibang mga mahal ko sa buhay — both family and friends.  Mahilig akong mamigay ng kung anik-anik — regalo or treat or just simple notes.  And nakakataba ng puso kapag napapaligaya ko ang nakakatanggap.  Just imagine when the perennial surprise-giver becomes the receiver.  Sobrang saya ko when I got two surprises this one.  Nung 1st week pa lang namin, Mr. Ducky sent me a Marks&Spencer necktie and nung nag-one month kami, he ordered a cake and had it delivered to me.  I am sharing this kasi uber uber talaga ang tuwa ako and you can do this to your syota too.  Love grows fonder when you’re happy.
  6. Trust each other. If you’ve been through a failed relationship expected yan na maraming kang pagdududa.  Okay lang yan but don’t let it spoil the fun.  Commit to each other na hindi nyo sasaktan ang isa’t isa because of infidelity.  Pag may duda ka — tell it straight.  Clear things out before it gets worst.  And whatever explanation you get from each other — paniwalaan nyo.  Trust will only work kung bawat pagdududa eh tatapatan mo ng tiwala.  And let your love do the rest.
  7. Huwag maglalandi. Tigilan na ang pakikipag-tweetums sa kung sino-sino.  May syota, dyowa o asawa ka na no!  Kung dati mong gawain eh to play around then by all means stop it na.  Now na!  And tigilan mo ang explanation na:  “Kati lang ito ng katawan!”  Kung kamutin kaya kita ng hollow blocks?!  Pag may naglalandi sayo then tell them straight up:  “Sorry may syota na ako!”  And ito ang pinaka-importanteng sandata na panlaban sa tukso:  Magdasal ka.  Hindi ito joke.  Magdasal na para malayo ka sa tukso.  And don’t think twice to just walk away kapag confronted ka ng mga malalanding may gusto sayo.  Dedmahin nyo sila agad at layuan.  That will send a signal to anyone na may maitim na balak sayo.
  8. Find every chance possible to meet up. Long-distance relationships are very challenging.  Pagipunan nyo ang minsanang pagkikita.  And when you do get that chance then make the most out of it.  Iwasan ang away.  Just have some good loving.  Ito ang tsansa para ma-affirm nyo physically ang pagmamahal nyo sa isa’t isa.  You may appear like newly weds pero keber na.  Ang importante eh nagkasama kayo physically.  So enjoy lang.  Happy jerjer!

All these will only be possible kung pareho nyong ginagawa.  Hindi pwedeng one-way ang relationship.  Dapat pinagsisikapan ng both parties para lalong lumago at magkulay-rosas.  Along the way, maraming pagsubok.  May tampuhan, may awayan… but don’t fret, kasama yan sa pagmamahalan.  Huwag na huwag lang magpapatalo — keep the love alive.  And keep the jerjer moments exciting by learning new tricks!  Bahala ka na dyan!

Related Posts with Thumbnails

27 comments

    1. @Princess — share mo din ito sa mga friends mo para maging strong ang relationship nila… nagulat ako sa cake… nag-effort talaga si Mr. Ducky to call a local pastry shop to order that… whew!

  1. “hindi pwedeng one-way ang relationship. Dapat pinagsisikapan ng both parties para lalong lumago at magkulay-rosas” love this so much…dapat both parties gyod…

    1. @Mystic Nymph — am sure magiging super-sweet si bf after reading this… dapat mag-effort talaga ang mga guys ‘no… and hey… I did visit your blogsite… will drop a comment next time… thanks for visiting!

  2. And tigilan mo ang explanation na: ”Kati lang ito ng katawan!” Kung kamutin kaya kita ng hollow blocks?!

    Winner! Hehe. And tama yang learn new tricks, para laging interesting. 😀

    1. @tiara — hehehehe… eh kasi naman andami pang palusot eh LANDI lang ang tawag dyan… and yes we should learn new tricks para sex-citing ever so much palagi!

  3. Blog hopping and landed on your blog. It’s so much fun to read! Nakakatawa talaga. I like this post. I’m also in an LD relationship. We use all sorts to communicate aside from texting, there’s whatsapp, line, viber…exciting to find out san dadaan ang message 🙂
    Jellybelly´s newest blog post post ..I Believe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge