Handa Ka Na Bang Mamatay

courtesy of http://www.lowfatdietplan.org/

Sunod-sunod ang mga nababalitaan kong namatay.  Having lost both my parents, alam ko ang pinagdaraanan ng mga namamatayan.  At hindi biro ang preparations every time that somebody passes on.  Handa ka na bang mamatay?  Kung sakaling pumanaw ka ngayon — maiiwan mo bang maayos ang mga mahal mo sa buhay?  Ano ba dapat ang paghandaan?  Be practical kasi lahat naman tayo patungo dun eh.  Read on, faithful readers:

  1. Life insurance. Ang pinoy ay isa sa mga hindi masyadong bilib sa life insurance.  Pinaka-lowest priority na yata natin ang pag-invest dito.  Hindi naman kailangang milyones ang piliin mo.  Choose one that can help tide things over when you pass on.  Parang forced savings ito and this will surely help your loved ones in the future.  Pumili ka ng maaasahang insurance company.  For me, Sun Life Financial ang pinili ko.  You can choose your payment terms based on your budget.
  2. Choose your beneficiary. Piliin ang nararapat.  Kapag insurance policy required talaga na maglagay ng beneficiary.  Para hindi na ito pag-awayan in the end.  Kung may mga other properties ka then get a lawyer to draft your last will and testament.  Take note na may mga taxes na involved when you leave real estate properties at baka hindi kayanin ng iiwanan mo.  I suggest that you talk to a lawyer kung papano magagawan ng paraan ito.
  3. Invest in a Memorial Plan. Some people find this morbid.  Ay sus as if hindi ka naman mamamatay.  Mas morbid kung wala kang makuhang libingan.  Nung nag-invest ako ng apat na plots, hindi lang para saken ito.  Siempre inisip ko rin ang mga pamilya ko.  Praktikal na lang ako kesa ma-stress ako when the time comes.  Dati kakairita yung monthly na may naniningil saken.  Pero nung nakuha ko na ang Certificate of Ownership after five years, ansarap ng feeling.
  4. Huwag kalimutan ang Interment Plan. Iba ito sa memorial plan.  Ang interment plan ang magaasikaso sa funeral services.  Kasali na dito ang kabaong (coffin) and ang wake sa funeral home. Again pumili ka lang reputable company and choose the best policy na afford mo.  I fully paid my interment plan two years ago.  Sana naman kung gagamitin ko na eh buhay pa ang company na yun.  Susme!

Itong apat na ito ang mga pinaka-praktikal na dapat paghandaan.  Siempre meron ibang dapat paghandaan pa at mas madugong usapan yun.  In the meantime, enjoy life.  May mga buhay na ugaling patay.  Iwasang mag-ugaling zombie.  Go out and gain a friend.

Related Posts with Thumbnails

9 comments

  1. sunlife din ako and thank God next year matatapos na rin ako sa pagbabayad. memorial and interment plans naman next. i’m planning to get one from st. peter 🙂

  2. This is really helping others see a little further… if I may add on item #2 about taxes – A LIFE INSURANCE POLICY IS STILL THE BEST INSTRUMENT FOR ESTATE SETTLEMENT. So for those with lots of real estate properties, no need to worry if your heirs can settle estate taxes, just be sufficiently covered and have peace of mind.

    Once more, thank you Orms!!!

  3. Thank you very much for an enriching blog. Sana na nga magiging priority ng mga Pilipino ang uncertainties of life. Thank you din for trusting our company, Sun Life Financial. God bless!!!

  4. Ormz, estate taxes should be paid in cash within 6mos after the estate owner dies. The rate is 20%. Para makaiwas sa mabigat na pasanin ang mga heirs, dapat ang estate owner bumili ng insurance policy at gawin nyang irrevocable ang mga beneficiaries nya while buhay pa sya. Warning: pag hindi nabayaran ng mga heirs ang 20% estate tax within 6 mos, another surcharge of 25% will be levied. In effect, lumiliit ang property na walang laban ang mga heirs pag di alam ang gagawin. So ang sagot lang talaga sa problema, bumili ang estate owner ng insurance policy at gawin nyang IRREVOCABLE ang mga beneficiaries.

  5. Also, estate means all assets including cash on hand and in the bank and other properties, hindi lang real estate. Banks are mandated to immediately FREEZE the deposits of clients who die and mawiwidraw lang yun kung babayaran ng heirs yun estate tax sa gobyerno. Liable ang bangko pag nirelease ang pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge