The Dating Game

walang kinalaman ang picture sa blog post na ito

walang kinalaman ang picture sa blog post na ito

Been out of the dating loop for quite sometime now.  My last serious date was over a year ago and the circumstances behind it are better left to the trash bin of bad memories.  Lately nakadalawang dates ako.  I’m not going to talk about the details but instead I’m going to share some tips for those who are going for a date.  Read on, faithful readers…

  1. Relax ka lang. Alam kong nakakapraning sa excitement ang pakikipag-date.  Lalo na kung first time mo or matagal ka nang di nakikipag-date.  Relax ka lang.  Date lang yan.  Ilang oras lang na pa-charming o plastikan ang pwedeng maganap.  Am sure kayang-kaya mo naman yan.  Isipin mo na lang na kung kinakabahan ka — mas kinakabahan ang magiging ka-date mo.
  2. Hygiene, Baby. If you have time to prepare then I suggest na maligo ka.  Dapat lang na presentable ka sa paningin ng makaka-date mo.  Iwasan ang mukhang bagong gising ka or yung parang rakista ka.  Maligo at mag-toothbrush.  Magpabango pero huwag o.a. na hanggang kabilang purok eh maaamoy ang pabango mo.  Bawal ang may putok.  Susme bumili ka naman ng tawas!
  3. Dress casually. Huwag na huwag over-acting ang pananamit.  Wear appropriate clothes and dapat comfortable ka.  Kung sa coffee shop kayo tatambay, alangan naman na naka-barong ka or naka-gown.  Don’t — never overdress.  Iwasan ang maraming borloloy sa katawan.  And don’t dress na para kang callboy or dancer sa club.  First impressions last.
  4. Focus on your date. Kung di maiwasang magdala ng cellphone then put it in silent mode.  This is the getting-to-know-each-other stage so dapat wala kayong ibang iisipin kundi ang makilala ang isa’t isa.  And bakit ka naman magdadala ng laptop aber?  Susme mag-iinternet ka kamo dahil free wifi ang venue nyo.  Eh sampalin kaya kita.  Makikipag-date ka tapos magiinternet ka lang.  Kaya ka single hanggang ngayon dahil sa adik ka sa internet!  Concentrate ka naman sa date mo no!
  5. Pay for what you order. Or at least be ready to pay for what you will order.  Ladies, don’t assume na ililibre kayo.  Kanya-kanyang bayad dapat para walang sisihan kapag di kayo magkatuluyan — walang magmamalaking siya ang nagbayad ek-ek.  If the guys insist then insist that you want to pay your share.  For the guys naman medyo madugo kasi expected na kayo ang magbabayad so ready ka na lang.
  6. Choose a venue wisely. Piliin nyo ang lugar  na pwede kayong magusap ng payapa at walang masyado distractions.  Di kailangang sosyal — it’s all about the conversations that will happen although the food can be a good starting point ng usapan.  Usually ang first date starts with a casual venue.  A coffee shop perhaps.  Pwede din namang magkita na lang kayo sa mall at saka na kayo mag-decide where to go.  Basta importante comfortable kayong pareho.
  7. Huwag nang magpaka-plastic. Sa unang tingin pa lang am sure alam mo na ang gusto mong mangyari.  Kung type mo ang ka-date mo then make sure that every moment counts.  Kung di mo type then keep the date short and quick.  Maswerte kung pareho kayong gusto ang isa’t isa.  Halimbawang one way lang then you have to accept na isa ito sa pwedeng mangyari.  Word of advice:  Iwasang maging bastos.  Hinarap ka ng date mo so make sure na maayos din ang pagtatapos ng date nyo.
  8. Keep it cool. Huwag magyabang about your life or don’t sound like you’re the sikat of them all.  Don’t talk about yourself.  Magtanong ka about your date.  Kumbaga probing stage ito.  Take note na yung mga tanong mo eh huwag naman masyadong personal.  Heto ang siste:  Kung may tanong ka about your date then be ready to share information about yourself related to the question na tinanong mo sa kanya.  May ibang ka-date kasi na kimi magtanong… pag sinagot ang tanong mo then sabihin mo rin ang sagot mo sa sarili mong tanong.  Magulo ba?  Am sure naintindihan mo na ito.
  9. Listen intently. Importante na during the conversation eh nakikinig ka.  Hindi yung palagi mong sinabing:  “Pardon…what did you say?” or “Ano uli yung tanong mo?”  And look at your ka-date when you are conversing with them.  Eye contact is important para malaman mo kung may pagasa ang posibleng partnership nyo.  Isa pa makikitang sincere ka sa ka-date mo kung nakikinig ka talaga.
  10. Seal it with a kiss. And finally, before you part ways — seal it with a kiss.  It doesn’t have to be on the lips.  Pwedeng beso-beso ang dating.  Depende actually ito sa progress ng date nyo.  Kasi kun click talaga kayo then I can tell you na hindi lang peck on the cheek ang katapusan nito.  A kiss is also a sign na enjoy man o hindi — thankful kayo sa isa’t isa na itinuloy nyo ang date nyo.  In the end, you will end up as good friends no matter what.

I went through two dates recently.  Enjoy ako.  Nakakilig.  I never realized the power of being single again.  In both instances, I must say na andami ko ring natutunan.  Akala ko alam ko nang lahat — hindi pa rin pala.  Will any these two dates end up into budding relationships?  Di ko alam and I will just take them in stride.  Who knows mas may darating pang mas nakakaaliw na date in the future.  So kayong mga nagiinarte pa dyan — break down those walls and go find yourself a date.  Kalurkey!

Related Posts with Thumbnails

7 comments

  1. Perfect 10…
    This is the ONLY blog on earth na NATATAWA talaga ako…

    Simple yet entertaining…
    I can’t imagine my day pass without reading Kuya O’s blogs…. 🙂

  2. magaling na mga tips. easy to remember and easy to follow. tandaan ko ito when i can have my next day. the last one for me was many many yaers ago pa. hehehehe

    am happy for u. enjoy the moments of having a date again.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge