DFAT’s Most Loyal Supporter: Lachi’s Sans Rival Atbp.

Adik ako ng kahit anong pagkain na gawa ng Lachi’s Sans Rival Atbp.

Dito sigurado kang aasikasuhin ka ng maayos

At siempre pa sobrang sarap ng pagkain nila

Ang problema lang eh dahil sikat na sila

Mahihirapan kang tiyak na makakuha ng mesa

Pero kung matiyaga kang maghihintay

Sulit talaga ang oras mo kasi mapapatambling ka sa tuwa

At bawat sandaling nasa Lachi’s ka

Humanda kang diyeta ka!

Sa pangatlong pagkakataon, sumuporta uli ang Lachi’s sa DFAT

Hindi kami magkandaugaga sa bawat pagkain nilalatag sa mesa

Bawat kagat at nguya — linamnam ay lasap na lasap

At nang panahon na para sa panghimagas

Susmaryosep para kaming mga batang nag-agawan

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa

Salamat Lachi’s sa suporta sa DFAT

Faithful readers, maglaway kayo… now na!

unforgettable baby back ribs

chinese pork humba

lachi's tapa

asian pork surprise

spicy laing

pasta carbonara topped by yummy pork chop slices

bangus belly

chili con carne

lechon paksiw

Related Posts with Thumbnails

8 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge