Travel Travails Of A Fat Guy

161989301137

Dalawang beses akong bumyahe nung March.  Una sa Hong Kong then sumunod sa Singapore.  Pareho naman akong nag-enjoy sa rampahang ginawa ko sa dalawang bansang yan pero siempre may mga pagkakataon din na nawindang ang ganda ko.  Tanggap ko na ang katabaan ko.  In fact, di na ito isyu para saken but reality really bites.  Read on, faithful readers…

  1. SEATBELTS. With my wide girth, hindi talaga kasya saken ang seatbelt sa eroplano.  Dati I get embarrassed to ask for a belt extension.  Hinihintay kong pansinin ako ng flight attendant na dapat isuot ko na ang seatbelt.  Eh napansin kong lalong scandalous pag ganun.  Ngayon, paakyat pa lang ang ibang pasahero, sinasabihan ko na ang flight attendant about my concern.  Am sure kapag iniaabot saken ang belt extension, may mga natatawa na lang.  Keber na — better safe than sorry.
  2. UNCOMFORTABLE SEATS. Even if we got lucky to be assigned to “leg-room” seats, being seated beside Kuya Avel who is also weight-challenged was probably the most agonizing moment of our vacation together.  Nagbabanggaan talaga ang mga shoulders at braso namin and ang sikip-sikip ng pakiramdam.  Ngayong uso ang budget fares, I expect airplanes to be designed to have more seats.  And adding more seats means more uncomfortable seats.
  3. SMALL COMFORT ROOMS. In planes, talagang maliit ang space ng restrooms.  Side view talaga ako sa pagpasok tapos side-view uli para ma-close ko ang pintuan.  Kapag nasa loob ka and you need to use the water closet — good luck talaga.  Super sikip but nagagawan ko pa rin ng paraan.  Pawis na pawis talaga ako afterwards kaya I take my time bago lumabas and may-I-pahid muna ang pawis.
  4. ELEVATOR NIGHTMARE. Imagine this.  Mahaba ang pila ng mga sasakay ng elevator.  Nakapila ka. Sa tantya mo, pwede pang dalawang pasahero sa loob ng elevator kaso pagsakay mo malakas na bumusina ang warning buzzer — OVERLOADED!  Nakakahiya talaga habang palabas ka samantalang yung mga kasama mo ay nakasakay na.  Pagbalik mo sa pila — ma-feel mo talaga ang hiya pero at least ikaw na ang nasa harapan mismo ng elevator.  Good luck pa rin.
  5. THEME PARK RIDES. Bago ka mag-decide na sumakay ng rides, play detective first.  Alamin mo kung kakasya ka sa seat and don’t stop there — alamin mo din kung magla-lock ang safety harness nila considering the wideness of your tummy.  Ang nangyari saken, kumasya nga ako sa upuan pero nung ibinababa na yung over-the-shoulder restraints ayaw naman mag-lock.  I was politely told na para lang daw sa bata ang ride na yun.  Masakit man tanggapin pero I had to leave.  Oh well, kung na-embarrass ako, mukang mas naembarrass ang theme park attendant para saken.  She even gave me an Express Pass kahit hindi na ako nagsasalita.
  6. WEAK CHAIRS. In this vacation, sa awa ng Diyos, hindi naman ako nadisgrasya at bumigay ang inuupuan kong silya.  There were however some instances na feeling ko eh magigiba na ang upuan.  Tatayuan ko na agad ITO and I will request for replacement and sturdier chair.  Nangyari na kasi ito saken.  I was having dinner and bigla na lang bumigay ang inuupuan ko.  Anak ng teteng. Sobrang nakakahiya talaga. Now kapag mono-bloc chairs ang available — dinodoble ko talaga bago ako umupo.
  7. COMPLICATED TRANSPORTATION GUIDELINES. Kailangang marunong kang magbasa ng mapa.  Kailaingang marunong kang sumunod ng directions.  Kailangang hindi ka mahihiyang magtanong ng directions.  Dahil hindi kami sigurado kung anong bus ang sasakyan — kesa mawala — we decided to walk to our next stop.  Susmaryosep!  Okay lang sana kung flat ang surface ng lalakarin namin.  Eh paakyat pa naman.  Laylay dila namin talaga.  Kaya ko naman ang lakarang pero dahil sa taba ko mega-hingal talaga and uber-uber ang tagaktak ng pawis.

Ayan shinare ko na yan… Kaya’t kung mataba ka, simulan mo nang mag-diyeta bago ka pa man magbakasyon.  Kung may kasama kayong mataba sa byahe eh sana naman maintindihan nyo ang mga hirap na pagdadaanan nila.  At kung mayaman ang matabang kasabay nyo sa byahe — dun ka dumikit — alagaan mo sya and assured na ang gastusin mo sa kainan.  Yun lang.

Related Posts with Thumbnails

7 comments

  1. it’s fine sir ormz.. we love you naman kahit healthy ka. =) naalala ko tulog yung chair sa hard rock hotel gani because of your blog post. hehehe ^_^ miss you sir ormz! ^_^
    rammyboi´s newest blog post post ..Senseis Back

  2. hahahahaha…same story sa nakasakay ko,nasa check in counter pa lang xa sabi nya “ilagay mo ako sa upuan na magkasya ang seat belt sa akin”hehehehe

  3. I love this entry. it reminds me of the days that I used to be fat. sobrang taba ko tlga dati na tawag skin Buddha:) so I been in your shoes at ang hirap tlga ng mataba kc parang you have limitations.

    pero whatver, your blog still superb! kakawala ng stress!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge