Tips Para Sa Mga Bagong Graduates

FUNNY18

Nadagdagan nanaman ang mga nagtapos sa kolehiyo.  Masasaya pa ang mga itsura ng mga graduates ngayon.  Pagkatapos nga namang bunuin ang apat na taon sa college — ang sarap kaya ng feeling na tawagin kang GRADUATE.  Lalong masaya ang mga parents kasi menos gastos na sa pagpapaaral.  Sangkaterbang thanksgiving party ang mangyayari at di mabilang na congratulatory messages sa text or facebook ang matatanggap.  Well, I will give it a month of celebration and happy cheer.  Because when the smoke clears — sasampalin tayo ng realidad na hindi pa tapos ang laban.  Mas madugo ang bubunuin ng bago nyong kurso na ang tawag ay SURVIVAL OF THE FITTEST.  Heto ang mga pwede nyong gawin…

  1. Mag-aral ka uli. If you’ve been wanting to be a chef then take cooking lessons.   Napagbigyan mo na ang mga parents mo sa hiling nila na magtapos sa kursong type nila so this time dapat ikaw naman ang pagbigyan nila.  Depende sa budget nyo — all I can say is that you go for it.  The hard part here is convincing your parents to finance this dream.
  2. Mag-review class ka for your board exams. Ito ang medyo madaling mangyari.  Am sure that most parents will support you in this endeavor.  Pag nag-rereview ka dapat lang na mas focus ka.  Huwag mong isipin na porke’t graduate ka na eh pwede ka nang gumimik ng walang patumangga.  Di ba nakakahiya kung bumagsak ka?  Sige aral lang…
  3. Mag-apply ng trabaho. Ngayong mga panahon, hindi na masyadong pinapansin kung anong kurso mong natapos.  Ang importante eh madali kang maturuan.  So kahit nursing graduate ka, go apply ka lang as teller, receptionist, marketing assistant or salesperson.  Handa ang mga companies ngayon para i-training kayo bago kayo isabak sa work.
  4. Do volunteer work. Why not, coconut?  Punta sa Red Cross or sa church nyo.  Offer your services for free.  Kung may allowance, well and good.  Kung wala naman, okay lang din.  Volunteerism sometimes opens door for your future employment.  Pag nagkakawang-gawa ka ng walang iniisip na kapalit — mas lumalakas ka kay Lord.
  5. Mag-bakasyon ka. Hindi naman kailangang magarbong bakasyon.  Visit relatives in the provinces.  Magbabad ka sa probinsya at magpakamasa.  Makipag-bonding sa long lost relatives.  Iba ang matutunan mo where life is simpler and less stressful.  Kung kaya mo naman ang maglamiyerda abroad then go lang.  Isama mo ang sure ka na enjoy kasama otherwise maiinis ka lang.
  6. Join groups. Huwag yung ma-out of place ka lang.  Join ka ng mga grupong magiging productive ka.  Jaycees is one club where members evolve to become leaders.   Or this might be a good time to strengthen your spiritual life.  Sumali ka ng PREX movement, isang Catholic-based seminar na kapupulutan mo ng madaming aral.  May mga grupo ding involved sa sports activities.  This could be your chance to explore your physicality.
  7. Rearrange your house/room. Time to clear the cobwebs.  Oras na din para maglinis ng bahay.  Itapon na ang mga kalat at basura.  Share the “shareables.”  New arrangement means new life.  Graduate ka na di ba?  Kaya okay lang na baguhin mo ang ayos ng bahay or kwarto mo.
  8. Kung marunong kang magluto take charge of the kitchen. Baguhin mo ang weekly menu nyo.  Ikaw mismo ang gumawa then train the househelp on what to do.  Kung hindi ka naman marunong magluto then learn how to cook.  Start with simple viands.  I suggest that you start doing Breakfast for the family.  Exciting yan!  Don’t be afraid na pumalpak ka dahil nangyayari yan.  Pero wag naman palagi at baka isumpa ka na ng pamilya mo.
  9. Mag-exercise ka. Go to the gym.  Mag-walking ka.  Dapat fit ka and maganda ang dating mo lalo na’t mag-aaplay ka ng trabaho.  Ang hanap ng mga companies ngayon ay yung may appeal.  Iwasan ang magpuyat para menos-eyebags.  Hindi din porke’t graduate ka na eh lamon ka na lang ng lamon.  Habang wala ka pang work, take care of your body.  May impact talaga sa employers if you are looking good — iba po ang good-looking ah.
  10. Start a blog. Go for the free blogs like www.bloggers.com.  Simulan mo na parang diary mo.  Daily mong i-update.  Kahit ano lang.  Write about what you’re doing and not doing.  Blogging is a great stress-buster.  Express yourself by sharing your escapades.  Since it’s your personal blog then sulat ka lang ng sulat.  Click HERE to learn how to start a blog.

Hey, sampu lang ito.  You may opt to do any of these things — nasa iyo lang yan.  You can also just bum around and forever humingi ng allowance sa parents mo.  Buhay mo din yan.  But if you decide to be productive then do any of the above tips.  Good luck, graduates and welcome to the world of unemployment…hehehehe!

Related Posts with Thumbnails

2 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge