Papano Bang Makipag-Break?

 

Isa sa pinakamahirap gawin eh ang makipag-break sa syota

Ako na naturingan nang Love Guru eh biglang na-mental block kung papano makipagkalas

Kung mabait ang dyowa na hindi mo na feel lalong mahirap hiwalayan

Sabi ng iba kong friends tiisin ko na lang at eventually mai-in love din daw ako

Eh habang tumatagal lalo lang akong nahihirapan

Atsaka isa pa unfair hindi lamang sa syota mo — pano na ang feelings mo?

The sooner na putulin mo na ang pagkakamaling ito — the better

Ang pinaka-acceptable manner ng pakikipaghiwalay eh face-to-face dapat

It’s only fair na harapin mo ang syota mo and tell how you feel

Kaso nga hindi ganito ang nangyayari

Ngayon, tini-text na lang para makipag-break

Meron ding tatawagan na lang sa cellphone

Buti sana kung mutual ang feelings sa hiwalayan

More often than not, may isa talagang masasaktan

Hay naku, been there and done that

Pinakamasakit yung hindi na magpaparamdam

Dedma ever na tapos biglang magti-text

Sasabihing hindi ka na nya mahal

Ganun na lang ba yun?

Kasumpa-sumpang paguugali!

Kaso recently ako naman yung gustong makipag-break

Okay naman ang naging syota ko

Mabait.  Mapagmahal.  Mapag-aruga.

Kaso hindi talaga magtugma ang emotions namin

Kesa naman ituloy-tuloy ko ang pagkukunwari ko

Dapat tapusin ko na — fair lang kumbaga

Alam ko naman ang dapat gawin

Di ko lang maarok talaga

Inisip kong sa bahay ko sabihan

I decided na dapat sa isang neutral na lugar

That means dapat sa isang pampublikong venue

Kaso baka iyakan ako ng harap-harapan

Ako pa naman na malambot ang puso

Baka hindi ko tuloy ituloy ang pakikipag-break

Isa pa ang laking scandal kung umiiyak in public

Baka umatungal bigla at magwala — susme!

Gusto ko lang naman na itigil na ang charade

Well for my part, that is…

I still want na maging magkaibigan pa rin kami

Dahil in fairness mabait naman talaga sya

Hay naku, heto na, faithful readers

I did the most dreadful thing

Dinedma ko na lang bigla ng two days

Di ko sinagot mga text messages nya

Then finally I texted back:  “Cool off muna tayo…”

Sagot nya lang:  “Yan ba talaga ang gusto mo?”

Huhuhuhuhu… I am such a bad person!

Ang hirap kaya!  Hindi talaga kinaya ng powers ko.

In the end mas mabuting tinigil ko na

Kesa magmuka akong manloloko

At least ngayon nagti-text uli kami

Friends na lang siempre

We’re better off as good friends

Am sure napagdaanan nyo rin ito

Kung hindi man kayo baka mga kaibigan nyo

Tao lang po tayo — hindi tayo perfect

Mahirap makipag-break, believe you me…

Tantyahin nyo na lang kung papano

Good luck na lang talaga…

Related Posts with Thumbnails

8 comments

  1. Then finally I texted back: “Cool off muna tayo…”

    Sagot nya lang: “Yan ba talaga ang gusto mo?”

    Huhuhuhuhu… I am such a bad person! bwahahahaha…

  2. ang malupit: makipag-break via facebook… ipo-post mo sa wall niya na, “break na tayo”… whapakk!!! hahaha… happy weekend… 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge