Inabot ko na pala ang edad kong ito pero ni minsan eh hindi pa pala ako nakapagtanim ng puno ever

Kaya’t nung inimbita kami ni Donna Congson na sumali sa isang Tree Planting Activity – umoo na ako agad

Pinangunahan ng XB Riders ng Polomolok ang event na ito

Yung mga tree seedlings naman ay galing sa Mahintana Foundation

Maaga pa ng February 6, 2011 eh reding-redi na kami papuntang Polomolok

Kasama ko sina Kuya Avel, Alexis and Marz at pinag-drive naman kami ni Jenel

Nandun na sina Donna and Emman when we got to the meeting venue

Kumpleto na ang grupo ng XB Riders nung makarating kami sa Polomolok

Anlamig ng simoy ng hangin noon at hindi masakit ang sikat ng araw

Papunta pa lang kami sa Purok Salkak, Barangay Landan excited na ako

Noon ko lang talaga na-realize na ito ang unang tree-planting activity ko

Dala na namin ang 200 seedlings galing sa Mahintana Foundation

Namimigay nga pala sila ng tree seedlings for tree planting projects

Kaya kung interesado kayo, you can always contact them via [email protected]

Nung narating na namin ang paanan ng hill na pagtataniman namin nagtinginan kami

It’s going to be a long walk papunta mismo sa tree-planting area

Keber na — I took a deep breath, got hold of my assigned seedlings and walked to the site

Mabuti na lang at hindi masyadong mainit and malamig ang hangin

Hindi ko nga naramdaman ang pagod kasi excited nga ako

We were all given instructions on how to go about it

When I kneeled and started digging for my seedling, naiyak talaga ako

Grabe ang naramdaman ko noon — sarap ng feeling ng pagtatanim ng puno

Naka-apat na seedlings ako that day pero pakiramdam ko 400 ang tinanim ko

Akala ko over-acting lang ako pero ganun din pala yung iba kong kasama

Ang saya-saya naming lahat kahit pinagpapawisan

Hindi na nga namin napansin ang putik kasi overwhelmed kaming lahat

courtesy of israel sarifa

Nung pauwi na kami iisa ang concern namin

Sinong mag-aalaga ng mga tinanim naming seedlings?

Nag-commit naman ang XB Riders na babalik-balikan nila ang site

Siempre they need to check on the seedlings talaga

And the last time they were there — sobrang saya namin

Dahil buhay na buhay ang mga tinanim naming seedlings

Sana lumago sila at maging malalaking punong-kahoy

O kayo?  Kelan kayo gagawa ng ganito?

Mag-tree planting na din kayo…now na!

Related Posts with Thumbnails

Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner