Mga Panlaban Sa Mga Inggiterong Intrigero

walang kinalaman ang litratong ito sa blog post na ito

walang kinalaman ang litratong ito sa blog post na ito

Kahit saan mang lupalop ng mundo ay merong inggitero at intrigero.  Madugong kaaway ang inggitero kasi walang pakundangang gagawa ng intriga ang mga yan para siraan ang kanilang kinaiinggitan.    Mga plastik pa ng mga ito dahil kapag kaharap mo eh pa-tweetums pa at pa-sweet effect pa mandin.  Pero pagkatalikod mo eh sasaksakin ka ng mga yan sa likod.  Kahit  dedmahin mo sila hindi ka pa rin tatantanan ng mga hinayupak hanggang sa mainis ka.  Para sa kanila, makita ka lang na affected sa pinaggagawa nila eh para na silang nanalo sa lotto.  Kung ayaw mong ma-stress, heto ang mga tips para labanan sila:

  1. Excel in your field of expertise. Huwag kang mag-settle for second best.  Umayos ka and be the best in what you do.  Normally kasi ang tinitira ng mga inggiterong intrigero eh yung mismong pinagkakaabalahan mo.  Pwes, let them eat your dust.  Build your credibility and network.  But take note na hindi ka nagsusumikap para sa mga hayop na yan.  You are excelling for yourself.  Don’t leave room para punain ka ng mga demonyong yan.
  2. Be transparent in all your dealings. No hanky-panky.  Dapat fair ka sa mga katransaksyon mo.  Ang pisong ginastos ay talagang piso at hindi ginagawang isang libo para lang makadengwat ng mas malaking kita.  Ang mga inggiterong intrigero ay malamang gawain ito kaya ito agad ang paninirang gagawin against you.  Kung malinis ang konsensya mo then you can look everyone straight in the eye.  Pero may titira pa rin sayo at masasaktan ka pa rin.  Ang mahalaga eh hindi ka guilty.
  3. Kung mali ka then be humble enough to admit it. Tao lang tayo at nagkakamali.  Ang importante is that you learn from it para hindi na maulit.  Don’t dwell on the negative.  Move on agad and do better next time.  Itong mga munting pagkakamali ang titirahan ng mga pinsan ni Lucifer kaya dapat handa ka palagi.  Isipin mo rin that you don’t owe everyone an explanation dahil in the first place you cannot please everybody.  Work on becoming better the next time around.
  4. Do something because you are passionate about it. Hindi yung gagawa ka lang dahil binabayaran ka or gusto mong sumikat — this is the easiest way to make you a favorite target ng mga inggit sayo.  Kikwestyunin ang motives mo and siempre scrutinize ever ang bawat kilos mo.  So the best remedy is to have the right attitude about the task ahead — you just have to love what you’re doing and you’ll never ever get affected sa mga negative comments na darating.
  5. Work with people you trust and can work well with. At bakit ka naman kukuha ng walang kwentang katrabaho, aber?  Siempre dapat lang na may tiwala ka sa mga magiging katuwang mo.  May kasabihan, however, that trust is earned.  Kung maayos kang makisama at hindi ka bastos magiging maayos ang takbo ng samahan nyo.  Respect begets respect.  Pinakamadaling subject ng intriga ay ang ugali mo.  May kilala ako na magaling sana eh bano naman ang ugali kaya pinagpipiyestahan sya ng mga galit sa kanya.

Guide lang ang limang ito.  Been there — done that.  Masakit ang maintriga lalo na’t walang katotohanan but I don’t regret going through it because it made me a better person.  Ang importante ay aware ka na maraming ahas sa mundo kaya kailangang mag-ingat.  Should you stop trusting people?  Am not saying that.  Huwag ka lang gullible at madaling madala.  Sabi nga, practice makes perfect.  Habang buhay ka, sagana ka sa inggit at intriga.  Bring it on…

Related Posts with Thumbnails

26 comments

  1. LUpit! Disdain things you cannot have: Ignoring them is the best revenge. Show contempt for it. The less interest you reveal, the more superior you seem. – Law 36 on the 48 laws of power-

  2. if people talk behind your back – it only means that you’re two steps ahead… gets? cheer up!!! igna na lang sila ug, “care bears”… hahaha… this post is a great read, anyway… keep ’em blogposts comin’… 🙂

  3. TRUE!!! Tumpak na Tumpak!!Mamatay kayo sa inggit!Ang malakas manira yong mga taong di kayang gawin ang mga bagay na kaya nating gawin at ma achieve!!!Sila ang taong maituturing na BITTER!!!Pakkkkkk

    1. @MARIO — trabaho na lang ko… i’ll just do what i’m good at doing… we cannot please everyone. hindi ko naman sila boss so keber na…

  4. Gosh, tamang tama tong post na to. I’m going through a rough patch — may isang inggiterang hindi talaga ako tinatantanan. Naghahanap pa ata ng mga kakampi! Buwisit talaga sa buhay. But then again, tama ka. BRING IT ON! Pag marami talagang bunga ang isang puno, maraming magta-try na tamaan to

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge