Hong Kong Realizations

f&f

Sa tatlong araw na bakasyon ko sa Hong Kong

Marami akong nadiskubreng bagay-bagay sa pagbabyahe

Una:  Pwede ko naman palang pigilan ang sumpong ko

Kahit sangkaterbang moments na pwedeng magminaldita

Nagbuntong-hininga na lang ako sabay kagat ng labi

At tahimik na kumanta ng “Come Holy Spirit”

Am sure nararamdaman ni Kuya Avel ang inis-moments ko

Pero siya na yata ang Hari ng Dedma-Sa-Sumpunging-Younger-Utol

Kaya parang as-if-nothing-happened ang drama nya

Pangalawa:  Kinaya ko ang walang pakundangang  lakad-ever-so-much

Super efficient ng transport system nila mapa-bus man or train

Ang problema eh kailangang aralin mo ito husto or else magkakamali ka ng masasakyan

Kaya kesa maligaw kami at magka-stress, naglakad na lang kami

Kung pagdudugtungin ang nilakad namin sa Hong Kong

Siguro aabutin ng round-trip na lakaran from Gensan to Tupi

At least napatunayan ko na kahit mataba ako, keri ko pa rin

Pangatlo:  Siguruhing mong may bitbit kang camera all-the-time

Huwag kang feeling model at posing lang ng posing

Mahiya ka sa mga kasama mo kaya return the favor by bringing your own camera

Kunan mo sila and it follows na kukunan ka rin nila

Hindi kailangang bumili ka ng bagong point-and-shoot

Pwede ka naman humiram na lang para at least hindi ka out-of-place

Kaya pag inupload na ang mga pictures feeling-part-of-the-group kang talaga

Pang-apat:  Iwasan ang pagmi-mentally convert to pesos tuwing may bibilhin ka

Subukan mong gawin yan and you’ll end up not wanting to spend

Ano ka ba?  Kaya nga nagbabakasyon ka kasi gagastos ka

If you’re on a tight budget, okay lang din pero stop CONVERTING

Enjoy ka lang — Eat the local food and buy something for yourself

Huwag ka ring over-acting sa pamimili — be a wise shopper din

And make sure that you have set aside some funds for your return trip home

Panglima:  Do not travel alone — travel with people you enjoy being around with

Eh bakit ka naman pipili ng pasaway na kasama, aber?

Siempre gusto mong mag-enjoy kaya tama lang na kaberks mo ang kasama mo

Enjoy kasama si Kuya Avel kasi pasensyoso sya sa sumpong ko

Kahit pagod na pagod na ako bubuyuin nya talaga ako to do more

Ginastusan ko na rin lang ang byaheng ito eh di sulitin na

Uber kwela ang rampahan moments namin ni Kuya — kembot ever talaga!

Pang-anim:  It pays to be friendly and having a ready-smile for everyone.

Napatunayan ko ang ang pagka-Miss Friendship ni Kuya Avel ay may naitulong sa amin

Hindi ako yung style na mamamansin ng kung sinu-sino lang

Si Kuya Avel will really start a conversation

We end up getting the information or help that we would need talaga

And the power of a SMILE really work wonders lalo na sa airport transactions mo

Mas courteous ang check-in staff and ambilis mo sa Immigration and Customs

Pangwalo:  Importante na meron kang travel itinerary tuwing babyahe ka

Sabi ng iba na mas okay na walang plano ang byahe mo

Kung sinuman ang may sabi nyan sa inyo — sampalin mo!

Eh dayuhan ka na nga sa pupuntahan mo hindi ka pa magpaplano?

There’s always the internet to help you with your travel plans

Nitong byahe namin talagang nagawa naming lahat ng plinano namin

Ang sarap kaya ng feeling kapag nagawa mo yan

Pangsiyam:  Trust your instincts — chances are, may tama ka!

Sa mga babae ang tawag nito, women’s intuition and sa mga lalake, hunch.

Ito yung mga moments na magiisip ka kung anong dapat gawin

Alam ko naman na uulan pero I opted not to bring yung napo-fold na payong ko

Ayun tuloy, bumili ako for Kuya Avel and myself worth 200 Hong Kong dollars

Nung naghihintay kami ng bus papuntang airport may sapantaha na ako

Feeling ko we were at the wrong bus stop — tama nga ako

Mabuti na lang we had time to spare to walk to the right one

Panghuli:  I deserved this vacation kaya dapat mag-enjoy talaga

For three days, initsapwera kong talaga ang mga ibang concerns ko

Regalo ko kay Kuya Avel ang trip na ito so nag-effort talaga ako in so many ways

I wanted him to have fun and siempre gusto kong kasabay ako sa saya nya

Sabi nga, we’re not getting any younger…

I’m glad I did this with my brother

And we’re doing it again next week in Singapore

ABANGAN!

Related Posts with Thumbnails