It’s Complicated

ItsComplicatedTitleLogo

(Sing to the tune of  “Leron Leron Sinta”)

1

One day ~ isang araw

Betlog ang love life ko

Lungkot ng buhay ko

Lamig ng gabi ko

Inaway pa ako

Ng aking ex-dyowa

Inun-friend sa Facebook

Dinedma pa ako

2

Kaya ang Valentine’s

Parang Biyernes Santo

Sinanay ko na lang

Unan ang yakap ko

Pati ang aso ko

Pinagdiskitahan

Pangalan ay the same

Ng aking ex-dyowa

3

One night ~ isang gabi

Milagrong nangyari

Biglang may nanligaw

Tameme ang beauty

Para akong robot

Di na naka-hindi

Single nung nagising

Biglang nagka-syota

4

Today ~ ngayong araw

Puso’y tuma-tumbling

May love life na sana

Bakit hindi ko feel?

Ano ang gagawin

Sa love life na bitin

Tapusin ko na ba

Para menos hassle

5

One day ~ isang araw

Lalo lang nalurkey

Pano naman kasi

Bigla lang dumami

Kung kelan may syota

Lalong na-complicate

Ang haba ng hair ko

Ano? Inggit kayo?

Related Posts with Thumbnails