Spreading Love & Happiness

 

Nung pinadala saken ni Gilbert ang link na ito uber busy ako

I never really gave it much thought kaya hindi ko agad inopen

Kahapon ko lang napanood and sabihin nyo nang mababaw ako

Sa gitna pa lang ng video eh umiiyak na ako

Pansinin nyo ang tuwa na dulot ng bawat regalong lumalabas sa truck

Gaano man kasimple o kabongga ang lumalabas

Iisa klase ng pakiramdam ang idinudulot

Tuwa.  Pasasalamat.  Pag-asa.

Just imagine kung bawat isa sa atin eh maging mapagbigay

Mapagkusa.  Walang galit.  Nagmamahal.

Nasa ganyang pagmumuni ako nung mabasa ko ang comment ni Millet sa FB post ko

Hindi ko rin sana papansinin kaso sobrang malaman ang lyrics ng “SANA”

In a perfect world, pwedeng ganun na lang yun

Kaso iba ang mundo natin sa kasalukuyan

It’s a dog-eat-dog kind of world

Survival of the fittest.

Despite that hindi dapat isasakripisyo ang kabutihang asal

Hayaan na nating ang mga ugaling pulpol

Gumawa tayo ng tama para bayan

Maging mabuting ehemplo

Tumulong sa nangangailangan

Ang bawat ngiting dulot ng tulong na iniabot

Ay hindi mapapantayan ng kahit anong yaman

Stop the hate.  Now na.

Related Posts with Thumbnails