Tips Sa Mga Taong Pasaway

Pansinin mo ang pinaka-nakakairita mong kakilala.  Am sure may paguugali ang mga yan na uber kakairita pero di mo na lang binibigyang-halaga.  Kaso nga lang dahil nga walang pumupuna sa kanila lalo lang lumalala ang ugaling-ewan nila.  Panahon na para ipamukha sa kanila ang bano nilang ugali.  Heto sila, faithful readers.  Sila na masarap sabihan ng malutong na:  “PAG-SURE, UY!”
  1. Kung di ka sigurado sa gagawin mo – magtanong ka sa mas nakakaalam.
  2. Kung may narinig kang tsismis – usisain mo muna ng todo kung tutuo.
  3. Kung wala kang pera eh di huwag kang umutang.
  4. Kung nag-issue ka ng tseke siguruhin mong may pondo.
  5. Kung di mo naman kaya – humingi ka ng tulong.
  6. Kung wala kang syota eh ano?  Buhay ka naman di ba?
  7. Kung naiinggit ka sa iba eh di magsumikap ka para may mainggit din sayo.
  8. Kung puro puna ang naririnig mula sayo – pansinin mo munang sarili mong kapuna-puna din.
  9. Hindi lahat ng tao eh ikaw lang ang iniisip kaya huwag kang praning.
  10. Kung feeling mo eh pangit ka eh di sige pangit ka nga.
  11. Kung san ka masaya then dun ka sumige — huwag ka nang makialam sa kasiyahan ng iba.
  12. Kahit afford mong bumili ng bagay na hindi mo naman kailangan – bakit mo naman bibilhin?
  13. Kung may karapatan kang magmayabang hindi ibig sabihin na pwede ka nang manlait ng iba.
  14. Kung anuman ang sakit mo now eh dahil yan sa lifestyle mo kaya huwag mong sisihin si Lord.
  15. Kung may hiniram ka siguruhin mong ibabalik mo.
  16. Kung hindi sayo huwag mong pakialaman at huwag mong nakawin.
  17. Hindi ka naman alimango kaya maging masaya ka naman sa swerte ng ibang tao.
  18. Huwag ka nang manira ng tao at makakarma ka lang.
  19. Magbayad ka ng wastong buwis bago mo punain ang gobyerno.
  20. Diyos lang ang pwedeng humusga at hindi ka Diyos.

So go ahead, faithful readers – handa ka nang ipamukha sa mga pasaway na tao ang mga mali nila.  Pero teka, dapat carry mo ring gawin yan… baka ikaw din mismo ang pasaway!  Pag-sure, uy!

Related Posts with Thumbnails

20 comments

  1. Ouch… Masakit mang aminin pero I am guilty (major major guilty) sa iba… Indeed, a slap on my face.. hehehe!

    Thanks Kuya… Welcome back to the blogging world…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge