The Wedding In My Mind

oomninong

Ayaw na ayaw kong pumunta ng kasal.  Hindi ako nagpapaka-bitter ah.  Tanggap ko na hindi kailanman ako magiging bride or groom for that matter.  Maraming rason kaya ayokong umatend.  At kung umaatend man ako then malalim talaga ang pinagsamahan namin ng kung sino man ang ikinasal.  Heto ang mga pet peeves ko tuwing may kasal akong inaatenan…

  1. Regalo. Hindi sa ayaw kong mag-regalo.  Ayoko ang effort na maghanap ng ipanreregalo.  Eh kasi naman hindi uso dito sa Gensan ang Wedding Registry wherein soon-to-be-wed couples can make arrangements with Department Stores or Gift Shops and list down their favored gifts.  At least kung meron nyan, pipili ka na lang from among the list na afford mo.  I hate shopping for wedding gifts kasi minsan nadodoble na ang klase ng regalo.  Just imagine getting the same set of PUNCH BOWL five times.  So now I prefer giving cash than buying a gift.
  2. Pre-Nuptial Photo-shoot. Errr… tigilan na ako ng mga beach themed and bukid-themed pre-nup shots ha.  Paulit ulit na lang.  Kamahal-mahal ng sinisingil eh wala namang bagong pinakita.  Use your imagination, photographers.  Kahit sa palengke ang venue pero magaling naman ang pagkakakuha, winner na yan.  Kaya please lang spare us with your paulit-ulit na themes.
  3. Themed Weddings. I miss wedding occasions na walang theme-theme na yan.  Kung dati eh pwede ka nang pumunta in simple formal wear, ngayon may kung anik-anik na kaekekan na dapat ganito ang color motiff or dapat naka-tuxedo or coat and tie.  Hello?  Hindi naman ako ang ikakasal ano!  For me, tama na yung pormal ang suot mo at hindi bastusin.  Kaya tuloy minsan madaming di umaatend dahil walang ipambili ng ipambabagay sa theme ng weddings.
  4. Intrusive Videographers and Photographers. Importante na ma-document ang kasal – aminado ako dyan.  Pero minsan uber-uber na ang mga nagdo-document.  Nasisira ang solemnity ng wedding ceremony lalo na’t pinaaandar na ang camera lights for the video (especially dun sa I DO moments!).  Tapos halos ilapit na sa mukha ng mga ikinakasal ang video cam.  They should get really high-tech gadgets para kahit from afar eh kuhang kuha pa rin ang moments during the ceremony.  There was one time na binawalan talaga ng pari ang mga videographers to stop what they’re doing!  Buti nga sa kanila.
  5. Mga Kaartehan ng Wedding Coordinator. I also have nothing against wedding planners.  I salute them for their expertise.  Pero minsan talagang over-acting na ang mga pinagagawa nila.  Stick to the basics.  And keep it short, stupid.  Matagal na nga ang misa tapos patatagalin pa sa kung anik-anik ng kaechosan sa wedding banquet.  Hello?  Pwede namang maging memorable ang weddings and not result to gimmicks like fire-dancers at pagkadami-daming speeches.
  6. Chocolate Fountains. Please lang.  Kung sinuman ang nagka-ideya na maglagay ng chocolate fountain sa wedding banquet eh dapat ibitin ng patiwarik.  Formal nga eh – messy po yan!  Hindi bagay sa event.  Pang-children’s party po yan.  Hay naku!  Kakairita.  Tapos ang mga dala-dalang bata ng mga bisita ang magpipista at magkakagulo around it!  Oh my!
  7. Weddings Are Adult Affairs. Kung kelangang magdala ng bata then control your children.  May mga weddings akong naatenan na may separate room for kids – kasama na dito yung mga ring, coin and bible bearers and flower girls.  Iba ang putahe nila – pambata talaga.  This might be too costly for most kaya importante na lang na hindi nagwawala ang mga bata during the wedding banquet.  Or ganito na lang:  Iwan na ang mga bata sa bahay and just enjoy the wedding.
  8. All Ye Single Individuals Out There Moment. Nung di pa ako out — asar talaga ako each time na pinapasali ako sa sasalo ng garter ng bride.  Ewwww…. so plastic…. so tupperware…. so kadiri.  Pinanindigan kong sumali with the rest of the single guys and am sure pinagpipyestahan ako ng mga nanonood at sinasabing BAYOT ako.  Hehehehe… never again.  There was one time na sumali ako sa mga Single Ladies na makiagaw ng bouquet ng bride!  Hahahaha nawindang silang lahat.  Seriously, wala sana dapat pilitan.  Kung gustong sumali, fine.  Kung ayaw, wag pilitin at lalo nyo lang pinangangalandakan ang malungkot na buhay ng mga single.
  9. OA na emcee. Mahirap maging emcee.  That’s why when you’re chosen to be one dapat pinaghahandaan mo yan.  Hindi yung aarangkada ka na lang at wala ka naman sense magsalita.  At dahil ikaw ang emcee, sayong mga kamay nakasalalay ang enjoyment ng tao kaya’t wag kang OA at umayos ka.  Keep the flow smooth.  Tigilan ang uber uber na parte.  Responsibilidad mo yan and you should tell the wedding coordinator how you feel about certain aspects of the program na sa tingin mo dapat ayusin.
  10. Long Speeches. Paalala lang po.  Hindi nyo moment ito.  Araw ng mga bagong kasal ito kaya tigilan na ang pagkahaba-habang advices kuningning.  Keep it short and direct to the point.
  11. Palpak na Video Presentation. Sana man lang sinubukan muna before the event.  Ayan tuloy naburyong ang mga bisita sa kakahintay ng di naman kagandahang palabas.  Let the professionals do it.  At least seamless and maganda ang pagkakagawa at hindi kung anik-anik na lang ang pinapalabas.

Habang binabasa ko uli ito naramdaman ko ang bitterness ko! Hahahahaha!  Char lang.  Ang gastos kayang magpakasal kaya’t dapat lang enjoy enjoy lang para di ma-stress.  Am sure after you have read this, hindi nyo na ako iimbitahin sa kasal nyo! Hahahahaha!

Related Posts with Thumbnails

27 comments

  1. I totally agree about the wedding registry part. I wish we also have like that here in the Philippines.. when my brother got married they got 5 rice cookers. so they ended up distributing it to the whole family hehe 🙂

    1. @Priscilla — hahahaha… you hit the nail right on its head… buti nga hindi arinola ang regalo… dati daw noong panahon ng parents ko — SAMPUNG ARINOLA ang natatanggap nila! nyahahahhaa!

  2. sir, boto ako sa post mo na ito, as a wedding photographer, its nice to have someone check your styles, ung may magsabi sa iyo kung ano ang mas maganda, not ung puro nalang tuligsa ang maririnig mo. kaya naman, please, send me email naman on how i could improve din.

  3. agree ako sa mga punto mo about wedding. when job and i got married…meron kaming binigay sa mga invited (kasama sa invitation)ng things that we like to have and where they can buy it (with discount from malls)…wedding registry is important. buti na lng meron na sa robinsons. btw, we got a picture crossing pioneer avenue na naka-bridal gown at barong kami…lingaw. apple was our wedding photographer then.

  4. in fairness sobra akong naaliw sa post na eto gness! kz actually naiinis din ako sa mga kasal2x event na yan dahil twice in a row…never naman akong kinasal ng formal na ganyan with all the special effects at hindi na mauulit na ikasal ako ulit so lets just hope its not true?!…lol kaya medyo bitter din ako sa pag attend2x ng mga ganyang affairs? di ba feeling ko kz kung ako nga di nagpabongga ng kasal tapos pag umatend ako ng ganyan mako-compare ko lang? ahahaha bitter nga?!..lol Anyhow tama ka tlaga at may point lahat ng sinabi mo especially doon sa part na “intrusive documentation” na? Super agree ako doon i remembered Lea Salonga’s wedding when someone from the audience came up close to the priest took pictures of them while saying there “i Do’s” parang ngaun ko lang nakita si Lea na nagalit talaga sya? but i do agree with that it takes out the solemnity of the event! I think after reading about this iimbitahin ka parin nila becoz you make the occassion EXTRA special pag ikaw nandyan!…Lol more than anything else i would like to personally extend our heartfelt thank you from my family for gracing the simple wedding event of my dear sister chubelita buti nalang that chocolate fountain thing NEVER crossed our mind kz diba parang naisip ko din my god! messy talaga to?!…parang mag aaral ka ng pottery! lol thanks again and if and when i decide to renew my vows in a non-traditional wedding talaga fitting for non-traditional ladies?!… i do hope your free to join us in Bahamas or Maldives for that ok Kuya!=)

    1. @Girlie Morgan — pag kaya lang, i will do anything for the Odi sisters, anytime — all the time… now, now… that Bahamas/Maldives thingy looks inviting….hahahahaha!

  5. #9: i miss hosting weddings… hahaha… kelangan ko na ng sideline… hahaha…

    i love ceremonies that are short and simple, as it makes the festivities more intimate and memorable…

  6. tama..kainis yung mga themed weddings…bibili ka na nga ng gift..bibili ka pa ng susuotin na kakulay ng susuotin nila? awts..doble gastos.

    My gripe about weddings is sa reception na eh…kulang either yung food or tables…at ang daming wedding crashers!
    mark´s newest blog post post ..No! No! No! Junior

  7. hahaha! nice blog post manay! totally agree with most of it kaya lng, being a photographer’s wife.. i just have to say.. kung sa montage yan, ay di sesemplang ang video presentation for sure! 🙂 about the prenups.. they let the couple decide sa theme since its their wedding. and you guessed it right. they always choose the beach and bukid themes. takot sila mag experiment 🙂 and if i have yet to have my wedding.. i will still invite you nevertheless. o invited ka sa golden wedding namin mga ilang decades pa ha..
    lynette G.´s newest blog post post ..The Elusive Club Kalsangi

    1. @Arlene — same here! kaya pag ako ang emcee ng wedding reception, i make it a point na dapat mabilis and seamless ang program… naloloka saken ang wedding coordinator… hahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge