Sampung Dahilan Para Panoorin Nyo Ang Bulong

Ito ang opening salvo ng Star Cinema sa taong ito.  Bida sina Vhong Navarro and Angelica Panganiban at first time nilang magkasama sa isang pelikula.  Malaki ang expectations ko nung panoorin ko ang movie na ito.  Lumabas ako ng Robinson’s theatre na masaya.  Ito ang sampung dahilan para panoorin ang nakakatuwang pelikulang BULONG:

  1. Trailer vs. Actual Movie – Am sure halos memorize nyo na ang trailer ng pelikulang ito.  Ginastusan talaga ng todo ng Star Cinema ang promotions neto kaya’t paulit-ulit mong mapapanood ito sa TV.  Kung dati – after watching the trailer – eh alam mo na ang buong pelikula, sa BULONG hindi  ganun ang nangyari.  May TWIST dito na yun actually mismo ang buod ng movie.
  2. Director Chito Rono – Magaling na director si Chito Rono.  Mapa-drama o adventure, patok na patok ang mga gawa niya.  Pinakagusto ko ang FENG SHUI.  Talagang nanginginig ako sa takot nun.  Sinundan nya ito ng SUKOB na di masyado ako nagandahan pero okay pa rin.  Sa T2 ako talagang nawalan ng bilib sa kanya – parang nawala ang magic touch nya.  Well, dito sa BULONG hindi lang magic touch ang bumalik – “nagwala” talaga si Chito Rono.  Nagwala in the sense na babad na babad ang dunong nya sa buong pelikula.  Pansinin nyo ang dialogue at matatawa ka nang tiyak.
  3. Vhong Navarro – Si Vhong ang Vic Sotto at Dolphy ng henerasyon nya.  Simpatiko at napakagaling ng comic timing.  Wala akong maisip na ibang aktor na pwede sa role nya dito.  Pinakagusto kong scene nung marealize nya ang significance ng BOHOL.
  4. Angelika Pangilinan – Napaka-versatile talaga ng babaeng ito.  I thought na lalamunin sya ni Vhong sa mga scenes nila together pero kering-keri ni Angelika ang role nya bilang BFF ni Vhong.  Kakatuwa nung binigyan sya ng singsing ni Vhong tapos sabi nya:  “SHERYOSHO KA?”
  5. Pangalan ng mga bida – Bilib ako sa inyo kung napansin nyo ito.  Tatlo sa mga sikat na Talk Show Hosts sa America ang kapangalan nina Vhong/Conan (as in Conan O’Brian), Angelika/Oprah (as in Oprah Winfrey) and Bangs/Ellen (as in Ellen Degeneries).
  6. Supporting Actors/Actresses – Wala akong itulak kabigin sa mga nagsiganap bilang support sa dalawang bida.  From Angie Ferro as the multo to Bangs Garcia as the playgirl nurse to Sylvia Sanchez as the mother of the buntis.  Lahat sila magagaling.  Nakakagulat si Angie Ferro as multo — kalurkey ang attitude ng bruha kahit nakakagulat yung pasulpot sulpot nya.
  7. Hotel scene sa Bohol – You should not miss this scene.  It’s one fast-paced part of the movie na magkahalong tawa, takot at suspense ang mararamdaman nyo.  Bongga ang Hotel Manager na bisaya ged.  Pati na ang mga Koreanong guests matatawa kang talaga.  Pansinin nyo ang subtitles habang nagda-dialogue ang mga Koreano.
  8. Possession By The Devil Scene – Medyo tumaas ang kilay ko sa scene na ito.  Feeling ko:  “Anong relasyon nito sa Bulong?”  Buti na lang sobrang kwela ito lalo na sa vomiting portion.  Ang galing din ng nanay nung napo-possess – si Mosang na kahit over-acting sya bumagay talaga sa role nya.  And siempre may dahilan kumbakit kasali ito sa movie.
  9. Ang Beauty Parlor, Bow! –  Wala akong masabi sa negosyo ni Angelika dito.  Parlor sa umaga at Bar sa gabi.  Mapapabilib ka sa ginawang transformation ng venue.  Winner!  And Angelika really carried that scene all by her lonesome – from beautician, to  cook, to waitress – Boom!
  10. AKALA NYO Scenes – Kudos siempre to Direk Chito Rono.  Ito yung mga scenes na movie na AKALA MO pero hindi pala.  Pansinin nyo nung nasa simbahan si Vhong at biglang may malamig syang naramdaman sa batok nya.  Pansinin nyo din nung biglang nabuksan ang pinto ng isang room sa hotel sa Bohol.  Ibang klase ka, Direk Chito!

Ayan, sampu lang yan.  Panoorin nyo na agad habang palabas pa.

Related Posts with Thumbnails

14 comments

  1. Wow! Now I’m curious na!
    Sa review pa lang ni KUYA O…
    mukhang maganda na talaga…

    Congrats to Dir. Chito Roño and the casts….

    Pashare sa GB Kuya!

  2. kahit di ko feel manood ng horror movies,i’ll definitely watch this..tempting talaga ang “Sampung Dahilan… 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge