Samahan ng Malungkot Ang Pebrero

After ten million years, mag-isa kong isi-celebrate ang Valentine’s Day

Meaning nyan, single bells pa rin ang drama ng love life ko

Kung dati eh kina-career ko ang makahanap AGAD ng dyowa

Lately medyo okay na ako – keber nang single sa araw ng puso

Siempre maiirita ka pa rin sa mga tanong na:  “Sinong ka-date mo?”

Sarap sagutin ng:  “Maraming akong pera – ikaw, meron?”

Kaso baka sagutin naman ako ng:  “Sige yakapin mong pera mo…”

Oo nga naman…kaya smile ever na lang ako at magkikibit-balikat

Sa Lunes na ang Valentine’s Day at kanda-ugaga na ang mga may syota

Been there.  Done that.  Nagawa ko na yata lahat.

Regalo.  Tawag sa cellphone. Arrange ng dinner date. Jerjer night.

At least this year, wala akong ganyang stress sa buhay

Pero siempre tao lang ako at naiinggit din

Gusto kong isumpa lahat ng may mga dyowa

Lalong-lalo na ang mga sobrang sweet sa isa’t isa

At lalo na kung kitang-kita mong napaka-spontaneous ng galaw nila

Paksyet talaga.  Dami kong naaalala.

At karamihan sa memories na bumabalik eh yung masasayang moments

Tao lang po – may damdamin din

Natigalgal pa ang buhay ko nung may pinost na pictures si Kuya Avel

Nabuhay uli ang memories na ibinaon ko na

Nag-react din ang ex-dyowa #1 at sinabing mas nasaktan sya kesa natuwa

Pati si ex-dyowa #2 nag-drama na din saka ako inun-friend sa Facebook

Hayyzzz… what a way to welcome Valentine’s Day

Kung dati eh tinatawanan ko ang mga single tuwing Valentine’s

Ngayon magkakaberks na kaming lahat

Like it or not, kasama sa kalendaryo ang February 14

Magpapaka-busy na lang ako sa araw na ito

Advance Happy Valentine’s Day, faithful readers!

Related Posts with Thumbnails