Huwag Niyo Akong Subukan

Ako eh tumatahimik na lang

Kaya pakiusap lang huwag nyo na akong idadawit sa ginagawa nyo

Gawin nyo na lang ang dapat gawin

Ipakita nyo ang inyong galing

At siguruhing hindi kapintas-pintas ang kalalabasan

May utak naman siguro kayo

Kaya’t kung anuman ang sulsol at bulong na naririnig nyo

Huwag nang gatungan at nakakarating po saken

Sa mga ahas at traydor at sipsip na umaaligid

Ito lang ang masasabi ko…

“Affected kayo saken?”

Pwes mamatay kayo sa inggit

At di hamak na mas may “K” ako sa inyo

Teka, magkano ngang sweldo nyo?

Kaya nyo ba ang ginagawa ko?

Ako, kaya ko ang ginagawa nyo ten million times over!

Huwag nyo akong subukan

Dahil kaya kong laruin ang laro nyo

At mas marami akong galamay kesa sa inyo

Ang buhay ay parang gulong

Sana masagasaan kayo ng malaking gulong

Ngayon pa lang andami nyo nang kapalpakan

Hindi lang ako mag-tell

Para BIG TIME ang bagsak nyo

Huwag nyo akong subukan

Yun lang.

Related Posts with Thumbnails

24 comments

    1. @planetman — ayoko na nga ng gulo kahit tahimik na lang ako eh kaso daming pinagsasabi ang nagmamarunong eh hindi nga nakakapanood ang mga yan ng mga dating events taz andaming kung anik-anik na comments. pwes tingnan natin ang galing nila.

  1. Easy lang. . Hehehe. . Wag mag aksaya ng panahon sa mga bagay na walang kwenta. Good luck na lang sa kanila. Lets just open a bottle of expensive wine while relaxing in a resort somewhere. (yung di nila ma afford). Sabay tawa and say duh! amateurs! Hahahaha.
    Laurence´s newest blog post post ..USB and Flash Disk

    1. @lynetteg — dami kasing pretenders dyan sa malaking building sa gitna eh wala namang binatbat. yun yang last nilang hinawakan piyesta palpak na palpak. dumiskarte na lang sila ng kanila at wag nang manira ng kapwa nila.

    1. @fahdingding — hindi ko naman gustong manakot, fahd… tigilan na lang nila ang mga kaechosan nila at magtrabaho na lang sila. pero mula sa araw na ito, papansinin ko bawat kapalpakan nila.

    1. @Rabsky — di na nga ako nagsasalita pero andami pa rin silang mga pasaring. sa dami ng kaibigan ko dun nakakarating pa rin saken. kung dati i wished them good luck, ngayon binabawi ko na.

  2. hahahahaha…. may isa nanamang anonymous na nagpost dito eh buking naman ang ip address na kapareha nung hater ko sa DISAPPOINTED AT SM CINEMA post ko… nakakaawa ka dong! wag ka na kasing bumisita dito coz you are not welcome here… kaluoy nimu uy!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge