I Will Be A Better Boss

Nobody’s perfect.

Isa na ako dyan.

Sa tingin ko naman okay akong tao

Mataray nga ako but I can be anybody’s best friend

Bongga ka na kung ma-reach mo ang BFF level sa buhay ko

As a boss, I am very democratic

Gusto ko na involve ang lahat sa decision-making

That way, lumalabas ang creative juices ng ka-team ko

Hindi lang sila involved, nati-train din sila to become future leaders

Pero kung asshole ka at eng-eng ang productivity

Humanda ka’t hindi kita sasantuhin

I am not a perfect boss

May topak din ako but most of the time game ako

I always encourage my team to speak their minds

Kaso may mga over-acting na kelangang rendahan din

Minsan lang akong mairita and if that happens para akong bulkan na sasabog

And when that happens, takot silang lahat saken

Well, sabi ko nga hindi ako perpekto

If I have strengths may mga kahinaan din ako

I will work on those issues this year

Andami kong gagawing projects for the bank

Kaya kelangang less stress ang buhay

I will be a better Boss this year

Promise.

Related Posts with Thumbnails