Misa de Gallo/Simbang Gabi 2010 Starts Today

Ngayong araw nagsimula ang Simbang Gabi

As usual dito kami sa St. Michael the Archangel Parish Church nagsimba

Being a late sleeper, kabado talaga ako na baka di ako makagising

Dalawang cellphones ko ang pina-alarm ko at 3:00 am

Kalurkey nga kasi nagising na ako before pa tumunog ang alarm

4:25 am kaming umalis papuntang church

Tamang-tama namang patapos na ang 3:00 am mass

Compared to last year, medyo matagal bago napuno ang simbahan

Napuno din eventually pero feeling ko di masyadong marami ang tao

Unlike before na talagang shoulder-to-shoulder ang mga nakaupo

And yung mga nasa labas naman eh parang sardinas sa dami at sikip

Hindi ko na alam ang mga kinakantang awitin

Puro bago na kasi and kahit merong naka-flash na lyrics

Hindi pa rin kaenga-enganyong kumanta

Siguro dahil inaantok lang ako – kaines!

Kasama ko nga pala ang sister kong si Mara and her daughthers Bea and Paula

Pilar was with us too and si Allan ang nag-drive sa amin

Kapag nakakaidlip ako, si Pilar ang tiga-siko saken

Sana bukas okay na ang magsi-share about the gospel

In fairness hindi magulo ang drama during communion

Since the church allowed women to give communion

Dumami tuloy ang namimigay and hindi na mahaba ang pila

Napansin ko na inallow na din ang girls as altar assistants

Before mag-recessional, kumanta ang mga orphans

Isa-isang nagsilabasan ang mga church-goers

Halatang gusto pang humilata ng mga yun

Mataas na ang araw nung umuwi kami

Happy ako kasi I survived the first day

Eight mornings to go…

Related Posts with Thumbnails