Mga Posibleng Rason Kumbakit Malungkot Ang Pasko Mo

walang kinalaman ang nakaupo sa sofa sa blog post na ito...hehehehe!

Natawa talaga ako sa FaceBook post ng friend kong si Andrew dela Serna recently.  Sabi nya: “Eleven days to go before Christmas! I feel NOTHING.” Kaya naisip ko tuloy na gumawa nitong blog post na ito.  Siempre lahat naman eh gusto na maging masaya ang pasko nila.

I grew up believing na dapat nakangiti ka lagi tuwing pasko.  Pero habang tumatanda ako naiba nang lahat.  Siempre I still try my best na maging merry pa din ang Christmas ko.  Sad to say, marami talagang dahilan kumbakit minsan eh malungkot ang mga Pasko natin – heto ang nangungunang tatlong dahilan.  Read on, faithful readers…

  1. Wala kang pera. Although pwede pa rin naman maging masaya kahit wala kang pera mas maige na may pera ka tuwing pasko.   Subukan nyo kaya na buong buwan ng December wala ka ni isang kusing sa bulsa mo.  Di ba abot lupa ang simangot mo?  Kahit nga ang mga hikahos sa buhay kapag tinanong mo kung anong wish nila sa pasko, ang isasagot:  “Pambili ng pang-noche buena…” Naku pinaalala ko tuloy ang noche buena.  Napasimangot tuloy ang nagbabasa nito na walang pera.  Pero chill lang, kasi kung may syota kang may pera, you’re good to go.
  2. Wala kang syota. Heto lang masasabi ko:  “Di bale nang walang pera basta may syota ka lang, okay na.” Papano naman kung pati ang syota mo walang pera.  Well may kasabihan tayo na nagsasabing:  “Di bale nang saging (lang ang ulam) basta labing!” Hehehe… sobrang kamalasan na talaga yan.  Anyway, itong rason na ito eh para sa mga heartbroken tuwing pasko.  Sila yung talagang affected.  Kaya nga they feel nothing kuno (Sorry, Drew! hahahaha).  Sa mga sanay na sa pagiging single, keber na ang rason na ito.  Dagdag gastos lang ang syota sa pasko.  At kung wala kang syota pero marami ka namang kaibigan then you’re okay.
  3. Wala kang kaibigan. Yung mga matataray ng buong taon at mga pala-away ang pinakamalungkot tuwing pasko.  Merese sila is all I can say.  For making the lives of other people miserable dapat lang na parusahan sila ng lungkot during Christmas.  Kaso may mga tao din na hindi naman matataray pero wala talagang kaibigan.  Mapapansin mo ang mga yan na walang natatanggap na regalo (o kahit Christmas card) sa pasko.  Wala ka na ngang pera.  Wala ka pang syota.  Wala ka ni isang kaibigan.  Magpatuka ka na lang sa ahas uy!

I still say na loneliness is just a state of mind.  Nasa tao lang kung magpapakalungkot sya.  Ang importante eh buhay tayo.  Ang ikli na nga ng buhay tapos malungkot ka pa.  Magbago ka na kasi.  Now na.  Go na.  Maligo ka na at magbago!

Related Posts with Thumbnails

7 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge