Mga Palatandaan Na Matanda Ka Na Nga

Kahit anong gawin kong paraan para mag-feeling young, pahirap na ng pahirap ang pag-eeffort taon-taon.  Hindi ko naman actually tinatago ang edad ko.  But I don’t talk about it.  I feel kasi na parang mid-twenties lang ako.  Honest.  Pero lately napapansin ko na ang mga pagbabago hindi lang sa pakikitungo saken ng ibang tao kundi pati na rin sa mga physical changes sa katawan ko.  Masakit mang tanggapin, tumatanda na akong talaga.  Ito ang mga palatandaan na matanda ka na nga.  Basa lang, faithful readers…
  1. Magsuot hip-hop ka man, masyonda ka pa rin sa paningin ng tao – Tatawagin ka pa ring Kuya, Ate, Tito, Tita… pero pag may tumawag saken ng Lolo, mananampal na akong tiyak.  I make it a point na kapag walang work, I really dress down.  Pero ganun pa rin ang impact ko sa ibang tao.  But honestly, napaka-comfortable if I am not wearing my office outfit.  Kahit masyonda na ako, I feel lighter.  O ayan, tinanggap ko nang matanda na ako.
  2. Baguhin mo man ang hairstyle mo, marami ka pa ring puting buhok. Embarrassing talaga pag may namamansin na andami ko na daw white hair.  How can they be so insensitive?  Hindi ba nila alam na if you change your hairstyle it also means new lovelife?  Lovelife mong neknek mo.  Just make sure na bumagay naman sayo ang new hairstyle mo.  Pag nakakalbo ka na wag nang mag-effort na tabunan ang mga kalbo parts… eh tumatanda ka na nga eh.
  3. Huwag nang ipagpilitang gumawa ng strenuous activities at baka maagang ikamatay mo yan. Meaning, wag mo nang sabayan ang mga nagma-mountain bike, mountain climbing at kung anik-anik pang physically-challenging activities.  Sige sabihin na nating kaya mo pa physically but believe you me, ang atake sa puso ang magiging malaking problema mo.  Ngayon, I make sure na ang hahakbangan ko eh steady.  I always make sure na may hinahawakan din akong masasandalan in case madulas ako.  Hay naku I miss the days na bara-bara lang talaga.
  4. Gusto mong tumagay?  Mag-isip isip ka na muna. Unlike in my younger days, halos hindi ako tablan ng alcoholic drinks.  Lalo pa nung tumaba na ako – parang tubig lang ang beer.  Pwede pa rin namang sumabay sa mga adik sa inuman pero walang kasing-rimarim ng hangover the next day.  Di lang masakit sa ulo – pati mga joints ko namamaga dahil sa athritis.  Kaines!
  5. Hindi ka na lang ninong sa binyag.  Box-office hit ang requests sayo na maging ninong ng kasal. For a single person lang me, feeling ko hindi ako dapat nagni-ninong ng kasal.  I mean, hello – will I be a good source of advice?  The sad part is you cannot say no to this kind of request.  Napansin ko lang lately na uber-uber ang dami ng gustong gawin akong ninong ng kasal nila.  Hindi naman siguro dahil sa ganda ko ang reason.  Masyonda na lang akong talaga.

This is still a work-in-progress but basically itong limang ito ang makakapagsabi na masyonda ka na nga.  Sabi ko nga sa mga kaibigan ko – mind over matter lang ang pagiging matanda.  Ang importante is that we age gracefully.  O, ikaw  ba, faithful reader, may kakilalang nasa denial stage pa?  Hehehehe… let them read this.

Related Posts with Thumbnails

7 comments

  1. Nice Pics!
    Jan naman din talaga tau papunta.. importante, let’s live life to the fullest with GOD at the center of course…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge