Isang Katamad-tamad Na Christmas Holiday

Pangatlong araw pa lang ito ng long Christmas holiday pero feeling ko bloated na bloated na ako.  Since nung December 24 walang ginawa sa bahay kundi magluto ng magluto.  Other than that may mga naghahatid din ng regalong pagkain sa bahay.  Siempre ako yung tigatikim ng mga niluluto ng mga pamangkin kong sina Marrell and Claudine.  At kung ganyan ang role mo eh dapat sana mawawalan ka na ng ganang kumain.  Eh ako pa!  Lamon ever so much pa rin.

Tutal sumali na ako sa noche buena preparations, pinakialaman ko na rin ang table arrangements.  Pinaglalabas ko ang mga bagong plates na uber bigat.  Kako namili ako ng new plates hindi para i-display.  Sumimangot na lang si Paula kasi sya lagi ang tokang maghugas eh ambibigat kaya ng mga bagong plato.  Pero nung nakita na nila na nakaayos na ito sa table – tameme na lang sila.  Sosyalan ever.  Ang mahal kaya ng mga yan.  I specifically told them na ipamigay na ang mga lumang gamit.  Parang naiiyak pa ang sister kong si Mara – masyado daw memorable ang mga lumang plato.  Kako, itabi na lang kaya nya sa pagtulog.

So yun na nga.  Dinner muna kami ng mga alas-siyete ng gabi.  Namigay ng chicken cordon bleu sina Paolo and Michael Sunglao.  Naghatid ng cake si Ann Santos and Flor Hicban.  And ang lechong baboy na take home ko from the previous night’s party eh nilutong lechon paksiw.  Sarap na sarap kaming lahat.  Umaatikabong kainan.  Am sure nagulat si Jenel sa klase ng handaan at kainan sa Manansala Mansion.  Bisita ko nga pala si Mr. Gensan kasi bored daw sa bahay nila.  Right after dinner, nagsimula uling nagluto ang mga pamangkin ko.  This time para na sa noche buena.

As expected, the next day’s food are the left-overs ng noche buena.  Sarap humilata sa kama.  Kakatukin lang ako sa kwarto para kumain pagkatapos balik-tulog nanaman.  Pati nga pagba-blog tinamad akong gawin.  Hindi din ako naligo kahapon.  Kung di nga lang nakapag-promise ako na iti-treat ko silang manood ng sine hindi talaga ako maliligo.  Katamad kasi.  Eh meron pang dalawang araw….weeeee!  Sana kayo rin eh nag-eenjoy!  Maligayang Pasko po!

Related Posts with Thumbnails

6 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge