Ang Love Life Ng Mga Librans Sa 2011, Bow!

Nabasa ko ito sa isang horoscope internet site at nalurkey talaga ako sa tuwa.  Salamat siempre sa gotohoroscope.com sa magandang balitang ito.  May pag-asa pa ang love life sa 2011!  Yeeeyyy!  Iisa-isahin ko ang isinulat nila at siempre mag-rereact ang Ganda Ever!  Read on, faithful readers…

  1. “For Librans, 2011 will start with peak moments. Even those that have been in a deep loneliness will suddenly and very unceremoniously see themselves in the middle of friends.” Oh diva naman ang encouragement!  Lalo na sa aming mga Libran na natigalgal ang buhay-pag-ibig sa 2010 eh matutuwa pag nabasa ito.  Pero siempre ang winner dito eh ang mga kaibigan na walang sawang sumuporta sa mga bobong katulad ko (sa ngalan lang naman ng pag-ibig).  Dahil sa tutuo lang, malaking pasasalamat ko sa mga uchosera kong friends na naging moral support ko nung mabuang-buang ako sa kangangawa.
  2. “Their private life will experience the same. They will find a person that will awake their dormant passions.” Nyetang horoscope ito nakakawindang ang expectations!  Pati dormant passions or mga tagong libog daw ay gigisingin!  Kung sino man yang manggigising na yan, magpakita ka na agad at mata mo lang ang walang latay!  Gisingin mo ang natutulog kong landi.  Now na.
  3. “Unmarried Librans will unexpectedly and madly fall into love.” Hala hala hala!  Kakatakot naman itetch!  Makabuang man talaga ang love-love.  Ay sus ang libran pa naman kung magmahal eh todo bigay.  Eh unmarried pa aketch.  Kahadlok!  Katakot!  Kalurkey!  Papano na lang ang mga new year’s resolution na hindi na aketch magpapakabobo sa ngalan ng love.  Kalowkah!
  4. “Newcomers will have a turbulent period of reconciliation, parting and new reconciliations.” Walang kawala ang mga Librans neto.  Pati ang mga virgin sa pag-ibig eh makakaranas din ng pagta-tumbling ng puso.  Ito na siguro ang katapat ng galit-bati moments namin ng ex-dyowa ko dati.  Pero di naman ako newcomer sa gugma uy!  Good luck na lang sa mga Librans na virgin pa sa love.  Mukang sisirko ang puso nyo ngayong taon.
  5. “Experienced ones will behave quieter, but they must be prepared for a meeting, which will make them fall in love.” Heto na.  Heto na nga ang kinakatakutan ko and at the same time pinaka-asam-asam ko.  Mabuti na lang ay may nagbabadyang papabels na mai-inlababu ko.  Hahahahaha!  I will behave quieter daw pero may nakasalang na dyulakis na magpapa-in love kanaken.  Ay ambot!  Bring it on.
  6. “Until the middle of summer, Librans will live easily and openly, will be afraid to believe their good fortune.” Sa tutuo lang napagdaanan ko na ito ba.  Porke’t winner ang love life kung anik-anik tuloy ang pinag-gagawa.  Ayun tuloy, nauuwi sa away.  Kaya kung mangyayari man ito sa akin next year — I will claim the swerte na darating.  Sa edad kong ito hindi pa pedeng maginarte at maging choosy.  Pag katangap-tangap na ang ugali at itsura, go na agad.  Huwag nang maghintay ng Prince Charming at palaging late kung dumating yan.
  7. “Everything will change in July. Libras will have been boiling with rage, suffering from confusion and provoking conflicts. Their spouses will be happy by the fact that their dear partner now fight for love in earnest. This will strengthen the family of Libra often against their will.” Aba-aba-aba…. jealousy ever ang drama ng Libran pagsapit ng July.  Anetch itetch??!!  May ganung factor na mangyayari?  Magje-Gelli de Belen?  Hay naku kaka-stress magselos-selos ah!  Pero kung worth namang ipaglaban ang ka-love team mo then go ako dito.  Lalo na’t ang umeeksena eh walang karapatang agawin ang trono mo – makibaka at huwag matakot!
  8. “The year will end most likely with all the same incredible joyful closeness that was present at the beginning. It is important to protect the family happiness from a third-party intervention.” Ayan ha, warning na ito sa mga malalandi at igat na Librans.  Pag may dyowa na, maintain nyo na yan at wag nang makipag-flirt sa kung sino-sino.  Kung may mga naglalandi man, isipin nyo na either katawan nyo lang ang habol nyan o ang bulsa nyo.  Keber na kahit mas pogi pa yan sa dyowa mo or mas sexy sa gf mo — salot yan.  Malas sa relasyon.  Protect the family happiness ang drama lalo na’t mukang maganda ang buhay pag-ibig natin ngayong 2011.  Huwag kang patukso!

Buti na lang at nabasa ko ito.  At least there’s something to look forward to sa 2011 kung buhay pag-ibig ang paguusapan.  Hmmm… horoscope lang po ito so huwag pong gawing parang bible ah.  Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa.  Huwag magpapaka-lurkey sa darating na taon.  Winner dapat ang ugali para winner palagi ang buhay.  Happy New Year, everyone!

Related Posts with Thumbnails

About Orman Manansala

I’m easy to get along with as long as you’re not a dork! Maarte din ako. Ayoko ng mainit! Ayoko ng maalikabok! Ayoko ng walang tubig! Pero type ko ang putik! Gusto mo ako maging friend? Kung kaya mo ka-eng-engan ko then welcome to my world!

Related Posts with Thumbnails

7 comments

  1. Bonggang-bonggang predictions to ah. Good luck naman Mare! :) Looking forward to a happy and bongga life for you in 2011. And interesting and thought-provoking blog posts.

    I checked out the site din for me: “Love and marriage will not be the main focus for Taurians. However, single Taurians will live in a great sense of anticipation and this will be their driving force.” ;-)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


5 × = forty

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge