My Goals for 2011

parang natawa ako sa mga goals ko

This early, I am setting my Goals for 2011.  2010 has been a good year for me pero siempre may mga boo-boos din ako.   Tao lang po.  Am sure may magtataas ng kilay about this.  Pero para saken importante na maaga pa alam mo na ang gusto mong bigyan ng focus sa darating na taon.  Just imagine kung wala ka neto, di the whole year para kang engot na go lang ng go – palpak dito, palpak doon.  Goals need not be grand.  Ang importante may gusto kang abutin para sa sarili mo.  Isa pa Year of the Rabbit next year.  Taon ko yan… and apparently kelangang sabayan mo ng sikap, sipag and tiyaga para mas bumongga ang buhay so kelangang may plano talaga.  Above all, kelangan ang Divine Intervention kaya’t wag kalimutang magdasal.  Read on, faithful readers…

  1. Save Money. Nadiscover ko recently that the best way to save is to put your money in PayPal.  Hehehehe… tulog lang sya dun and hindi madali-daling ma-withdraw.  The real objective talaga is to save money.  Bawas ng unnecessary expenses.  And go easy on using credit cards.  Kainis nga ang recent purchases ko kasi hanggang August 2011 ko babayaran.  Sana malaki-laki ang salary increase para di mabawasan ang impact.  Basta save, save, save!
  2. Good Health. Go slow on drinking soft-drinks and alcoholic beverages.  Babawasan ko ding magpuyat.  Masyonda na ako no.  Di naman ako si Darna kaya kelangang mag-ingat sa mga kinakain.  Gusto ko pang mabuhay ng matagal ano.  Kalurkey isipin na mortal lang tayo and anytime we can go.  Hayyzzz…
  3. Get back to Exercising. Kelangang balikan ito.  Tumaba pa ako lalo this year.  Kelangang magpapawis.  Di talaga pedeng diet lang.  Dapat sabayan ng physical exercise.  Tiyak matutuwa ang stationary bike ko neto.  Mind over matter lang ito.  Kakayanin ko ito.  Whew!
  4. Open a new Branch. Gusto kong mabuksan ang pangalawang branch sa Gensan at pangatlo sa Davao or isa sa Tagum.  Focus, Orman, focus!  Find a perfect or suitable location then scout for a Branch Manager then I’m good to go.  Need to build up our Mindanao network para mas bonggacious ever.
  5. Churn out more blog posts. Tatlo na ang mini-maintain kong blogs.  Itong GandaEverSoMuch na dapat araw-araw ang posts ko.  Yung Eat’s Terrific na at least two times weekly ang posts and ang Fat & Fab Brothers na depende lang kung wala kaming menstruation ni Kuya Avel at saka magpo-posts.  Seriously, nagugulat ako sa mga positive reactions ng readers ko this year.  Nakaka-stress tuloy.  But I commit to meet the demands of blogging in 2011 para sa mga faithful readers ko.
  6. Hit my Budgets sa Bank. Dati Gensan lang ang iniisip ko.  Ngayon limang branches na:  dalawa sa Davao, isa sa Cagayan de Oro and isa sa Zamboanga.  Hopefully, we’re all ending the year 2010 in stable grounds, meaning naabot ang quota for the year.  Tough year next year kaya yan ang pinaka-goal namin.  Pukpukan ever talaga ang gagawin ko nito.
  7. Renew my passports and U.S. visa. Need to do this asap.  Will just have to hire an agency to handle this for me.  Ang hirap kasi na ako pa ang magaasikaso.  Sana within the first quarter ayos na ito.
  8. Repaint my house. Hayzz… kalowkah ang budget para sa goal na ito pero kelangang gawin kasi talagang ampangit na tingnan ng bahay ko from the outside.  Will talk to my architect about this para mapagusapan na kung anong kulay ang bagay.

Ayan walo pa lang yan.  Baka bago matapos ang taon may maidagdag pa rin ako.  Para bang may kulang?  Hehehe… hindi ko goal ang magka-syota next year.  Ayokong ma-pressure dahil sa pag-ibig.  Kumbaga darating lang yang love life na yan kung para talaga saken.  Hindi po natin kontralado ang puso ng ibang tao.  O gumawa na rin kayo ng listahan nyo.  Dapat goals na praktikal at attainable.  Gawa ka na.  Now na.

Related Posts with Thumbnails

10 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge