Mga Palantadaan Na Nakapag-Move On Ka Na Nga

Photo on 2010-07-20 at 08.50 #2

Sa mga broken-hearted, madaling sabihing nakapag-move on ka na when the truth of the matter is tuma-tumbling pa rin ang puso sa sakit.  In the first place, talagang mahirap mag-move on lalo na’t may namagitan nang love between you and your ex-kapuso.  Kaya’t kung sinuman na kakilala mo ang nagmamalaking okay pa sa olrayt ang puso nya after a heartbreak, nagsisinungaling yan.  Been there.  Done that.  I am talking from experience, of course.Recently lang, naburyong nanaman ang puso ko after maging officially single uli ako.  I really tried my best to move on pero ang hirap ever talaga.  Until last Thursday.  Read and learn, faithful readers.  Ito ang mga palatandaan na naka-move on ka na nga…

  1. You finally offered the hand of friendship to your ex. Pagkatapos ng medyo mahaba-habang pandededma, all of a sudden, you realized na ang nagpapabigat ng loob mo daily eh yung inis na nararamdaman mo towards your ex.  Nung nag-break kayo, numero unong pinangako mo sa sarili mo eh yung hindi mo pagpansin sa kanya.  Natural lang yun.  Expectedly time should heal all wounds.  When that comes, make peace with the ex.  Para kang nabunutan ng tinik.  Believe me.
  2. Hindi ka na affected sa mga kwento ng buhay pagibig nya. Dati you abhor getting news na meron na syang kalukadidang.  Kaya nga pinagtatatanggal mo ang common friends nyo from your social networking accounts.  Ngayon na friends na uli kayo, kahit ikwento nya pa na meron syang dini-date or magiging ka-date, maluwag mo nang nasasagot na:  “Good for you!” And if you say this without any tinge of selos or bitterness then you have indeed moved on.
  3. Now you’re not ashamed to say na single ka. Darating sa punto na mare-realize mo na relationships are not like running in a racetrack.  Hindi ito competition, period.  Sa umpisa kasi ng break-up eh ayaw mong patalo sa ex mo.  Gusto mong maunang mapabalitang naka-recover ka na by jumping into another karelasyon.  Nakapag-move on ka na nga if after your ex asked you about your lovelife sasagutin mo sya without batting ang eyelash ng “Wala…” without hoping na sana magkabalikan kayo.
  4. Kahit maraming nagpaparamdam hindi ka nagkakandarapang magka-syota uli.  In fact, hindi ka na parang asong in-heat kapag may nagti-text sayo ng sweet nothings.  Inunahan mo na ng tanong:  “Nanliligaw ka ba?” Pag umoo, agad mong sinasabing “Let’s get to know each other better muna…” Of course that meant you’re not interested.  Move on na move on ka na nga.  Lalo pa’t hindi mo na ginagawang basehan ang ex mo kapag may kinikilatis ng possible dyowa.
  5. You’re actually enjoying your “alone-nights.” Call it weird but yes, kapag nakakapalagayan mo na ang gabing malamig then you have moved on.  Hindi mo na naiisip ang mga times na magkasama kayo ng ex mo.  The good thing about this development is that you have also started going out again – which is good.  At least hindi ka na nagmumukmok – you’re finally over the break up and go hanap ng kokolektahing syota!
  6. Meron ka nang sagot sa previous blog post mong ” Nakapag-Move On Ka Na Bang Talaga?” Kung nakagawa ka man ng emo post right after your break-up and eventually wrote this kind of post then you have indeed moved on.  Click nyo ang link ng blog kong yun at matatawa ka na lang sa emotions ko then.  Pansinin nyo ang pagkakaiba.  O divah, move on na ako? Hehehehehe!

But a word of caution:  Ang emo moments bumabalik yan kaya dapat handa ka.  But if ever na bumalik you will get over it faster than you can spell H-A-Y-O-P-K-A!  Ooopss… sorry po… tao lang po… Hehehehehe… Happy Hunting, Collecting and Selecting!

Related Posts with Thumbnails

10 comments

  1. Very well said. Napapangiti ako when reading this post kasi halos lahat ata ng mga points dito is nakakaguilty sa part ko. Kung may isang bagay na napakahirap gawin, isa dono ay pagmomove on!
    I love your blog!

  2. i love the topic sir orman!

    ang lakas maka tama!,

    super hirap pa rin ako mkamove on sa ex ko so dats y love to read dis.bwahah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge