Humanap Ka Ng Panget

walang kinalaman si shrek sa blogpost na ito.

walang kinalaman si shrek sa blogpost na ito.

Ang tao sadyang mapili.  Kung ang paguusapan eh ang pakikipag-syota, talagang ang minimithi na maging kapareha eh yung pogi o maganda.  Pansinin nyo sa showbiz – yung sumisikat ng todo eh yung mga magaganda’t sexy at mga pogi’t matipuno.  Sila ang ina-idolize.  Sila ang pinapangarap.  Ayun tuloy kahit pangit eh gustong magka-syota o mag-kapareha ng pogi o maganda.  Hindi naman masamang mangarap pero I suggest na baguhin nyo ang pananaw nyo dahil hindi magiging payapa ang buhay mo kapag pogi o maganda ang kapartner mo.  Kalurkey kaya kung sobrang gwapo at ganda ng syota mo.  Walang oras na kampante ka kasi maraming umaaligid na admirers ang mga yan.  Kaya’t subukan mo namang humanap ng panget.  Read on, faithful readers…

  1. Tapat ang panget. Ikaw lang ang mamahalin nyan.  Other than mahal ka, nagtatanaw ng utang na loob din yan.  Imagine, pinili mo ang panget over the better-looking ones.
  2. Selos will now be thing of the past. Dahil panget, walang magkakainteres sa kanila so wala nang dahilan para magselos ka.
  3. Ipagtatanggol ka ng todo. Siempre expected na maraming mag-ookray sayo for deciding to go for the panget.  Well, sya ang numero uno mong tagapagtanggol.  So dedma ka lang sa reactions ng tao.
  4. Mas sweet ever sila. Maalalahanin ang mga panget.  Why so?  Kasi ayaw ka nilang mawala sa buhay nila.  At dahil sa paguugaling ito am sure mai-in love ka rin sa kanila eventually.
  5. Hindi sila sinungaling. What you see is what you get.  They will tell you their whereabouts and wala kang ikababahala about dark secrets they keep dahil wala silang sekreto!
  6. Never silang hihindi sayo. Subukan mong mag-request ng kahit ano.  I mean, siempre yung hindi out-of-this-world na request.  Believe you me, gagawan nila ng paraan para maibigay sayo ang gusto mo.
  7. Mas matipid ang buhay mo. Eh kasi naman hindi sila over-acting sa mga pangangailangan.  Bigyan mo lang ng load nyan, tatalon-talon na sa tuwa yan.  But more often than not, sila ang gumagastos.  Ganyan sila magmahal.
  8. They’re there for you 24/7. Kung nasanay ka na sa dinededman ng syota o partner mong pogi o maganda, sa pangit hindi mangyayari ito.  Kumbaga, they are at your beck and call and masaya pa sila when you need them.  They feel more important.  O divah?
  9. Nakikinig sila sa iyo. In fact, sila ang klase ng tao na listening is like second-skin.  Kahit pinakawalang kwentang kwento, pakikinggan nila from you.  They are your shoulder-to-cry-on anytime, all-the-time!
  10. Hindi ka nila aawayin. Siempre takot sila to lose you.  At bakit mo naman sila aawayin aber?  OA ka ha.  Ikaw na nga ang minamahal aawayin mo pa?  But really hindi ka aawayin ng mga yan, ever!  At kahit awayin mo sila, tatahimik lang yan dahil mahal ka.

Di ba, exciting?  Kung may makakabasa nito at hindi sang-ayon, keber na at blog ko naman ito ano.  Chill lang.  Para ito sa mga umaasang makapag-move on agad.  Panoorin nyo na lang ang video sa baba para bongga ang araw nyo…

INTRO:
Ay naku kasi ano
Ang hihilig kasi sa magagandang lalaki
Ang hilig sa magagandang babae
O anong napala n’yo e ‘di wala
Kaya kung ako sa inyo
Makinig na lang kayo sa sasabihin ko
Humanahap ka ng pangit at ibigin mong tunay
‘Yan ang dapat mong gawin
Kaya makinig ka sa akin
And it goes a little something like this

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Isang pangit na talagang ‘di mo matanggap
At h’wag ang lalaki na iyong pangarap

Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali
Na ikaw ay wala nang ibigay, ‘di ba?
Kaya pangit na lalaki ang hanapin mo ‘day
Kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak
Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak

CHORUS:
Humanap ka ng pangit
(H’wag na oy! )
Humanap ka ng pangit
(H’wag na oy! )
Humanap ka ng pangit
(H’wag na oy! )
Ibigin mong tunay
(H’wag na oy! )
(H’wag na oy! )

Isang pangit na babae na mayroong pagtingin
Mangaliwa ka man ah sige lang
Andiyan pa rin
Pagka’t ikaw talaga ang kanyang pag-aari
Pag-isipan kang iwanan hindi na maaari
At kung malingat ka man h’wag mag-alala
Sigurado ka naman walang makikipag-kilala
Kung kasama mo siya ‘di bale na katakutan okey lang
Kung ikaw naman ay paglilingkuran

CODA:
Kaya’t para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
At kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak
Mahiwalay man ang pangit hindi ka iiyak ‘di ba?

Sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari
Na may na-date akong isang pangit na babae
Manliligaw daw niya ay talagang ang dami
Nguni’t nang sa gabi’y ngdurusa

Related Posts with Thumbnails

12 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge