How To React When You Cross Paths With An Ex-Dyowa

Sabi nga that time heals all wounds.  Well, it did me good recently.  After going through the stages of anger and revenge, nahimasmasan na din ako eventually.  How stressful kapag may hindi ka sanay na may “kagalit.”  Lalo na’t ang pinagmulan ng galit mo eh betrayal.  Oh well, I’ve said my piece on that already.  Anyway last week, nakasalubong ko si Mr. D sa KCC Mall.  Nagtagpo ang mga mata namin.  I recognized him and saka ako tumango with a smile.  Tumango din sya and nag-smile.  I felt good afterwards.  How long was it na ba?  Basta para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.  The next chance meeting namin eh sa Robinson’s.  That time around, nagusap na kami and I said:  “Peace na tayo, ah!”  We had a good laugh.  I felt even better.  Kaya napaisip tuloy ako – ano kaya kung hindi ko sya tinanguan during our first chance encounter?  Papano kaya kung iba ang naging reaction ko nung nagkita kami?  Siempre maiiba ang impact depende sa reaction natin.  Kaya naisipan kong gawin ang Tips na ito.  Read on, faithful readers…

  1. Dedmahin mo. Kahit naghilom na ang sugat sa puso mo you can still opt na mandedma just in case na nagkrus ang landas nyo ng ex-dyowa mo.  Pag napansin mo na makakasalubong mo sya, umiwas ka na agad.  Umiba ka ng dadaanan.  Pero kung walang ibang way then tumuloy ka lang and taasan mo sya ng kilay at tumuloy-tuloy ka lang ng lakad.  O diva bongga ang dating mo?
  2. Makipag-plastikan ka at pansinin mo. If you’re caught unaware and biglang nasa harapan mo na sya then pansinin mo ang ibigay mo ang pinaka-plastic mong smile.  Don’t dare say a word to your ex-dyowa.  Don’t offer your hand for a handshake.  Smile lang ever to max na pagkaplastic then walk away.
  3. Kausapin mo pero appear like you’re too busy to notice your ex. Ito naman yung situation na nagkagipitan na and wala ka nang kawala.  Eh emotionally okay ka na pero di mo pa rin feel na makipag-feeling close uli sa ex mo.  Tapos siya pa ang makwento.  Sige ganitong gawin mo – kunyari may ka-text ka habang nagsasalita sya.  Pag napansin nyang hindi ka naka-focus sa kanya, magpapaalam na agad yan.  O diva winner ang pagkahitad mo?
  4. Kung may kasama ka – ipakilala mong syota mo kahit hindi. Dahil may bitterness pang natitira at nagkataong nagkasalubong kayo ng ex-dyowa mo and may kasama ka then you’re good to go.  Gawin mong conversation piece ang kasama mo at ipakilala mong syota mo.  Pansinin mo ang reaction nya.  O loko eh di nakaganti ka na.  Hahahahaha!  Bitter!
  5. Smile ka then iabot mo ang kamay mo. And of course ang pinaka-magandang reaction is just to extend the hand of friendship to your ex-dyowa and just be yourself.  Kumustahin mo sya sincerely and share a laugh.  Believe you me ang gaan ng feeling mo afterwards.

I’m sharing this para maging handa kayo sa mga ganitong situations.  Again, nasa iyo talaga yan.  Kung di mo pa feel na makipagbati then wag mong ipilit.  You probably need more time.  In the meantime, sit back and hope that you don’t cross paths with your Ex!

Related Posts with Thumbnails

9 comments

  1. ill go for 2 kung d mo pa talaga feel pero i lab 5…para wala ng sakit sa puso mo…madaling maka move on…happy new coy…happy new year sa lahat…more blogs for this year…

  2. tnx for sharig the blogs kuya orman!i’m enjoying reading all of these..n the other way around, i’m learning a lot..:)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge