Dapat Bang Bigyan Ng Regalo Ang Mga Ex-Dyowa Mo?

Am sure malaking diskusyon ang magaganap sa blog post na ito

Dapat nga bang bigyan ng regalo ang mga ex-dyowa natin?

Christmas kasi kaya napapagusapan ito

Keber nang maayos o hindi ang paghihiwalay nyo

Keber na din kung sino ang nakipagkalas

Go and tanong yourself:  “Obligado ba akong mamigay sa kanila?”

Heto ang mga tips para tulungan kang mag-decide

Ito ang mga sitwasyon na usually na nangyayari

Read on, faithful readers…

  1. Maayos ang break-up nyo.  Napagusapan ng husto.  May closure. Pwede nang regaluhan ang ex.  In fact, dapat exchange gifts kayo sa sitwasyong ito.  As a matter of fact, pag di kayo nagbigayan ng regalo – sasampalin ko kayong pareho.  Mga kuripot!
  2. Nahuli mo syang may ibang kakulikadidang.  Masakit na hiwalayan.  Walang closure. Breath in – breath out!  Nyetang sitwasyon ito.  Nagpalpitate ako!  Regaluhan mo silang pareho ng cobrang ahas dahil pareho silang mga ahassss!!!  Hayop silang dalawa.  Hayoooopppp!!
  3. Nahuli ka nyang may ibang kalandi.  Tinanggap niya.  Pinatawad ka.  May closure sa kanya at bitin ka kasi guilty kang malandi ka.  Gaga ka.  Haliparot.  May gana ka pang mamigay ng regalo matapos kang magtaksil?  Sa tingin mo ba dapat kang patawarin sa paglalandi mo?  Lumakad ka man ng paluhod mula Aparri hanggang Jolo hindi kapata-patawad ang ginawa mo.  Regaluhan mo ang neknek mo.  Talipandas!!!
  4. Galit-Bati moments.  Break dito.  Break doon.  Break nanaman ngayon.  Hanging in a thread ang closure. Bumili ka ng regalo pero huwag mo munang ipadala.  The nerve of your ex to even expect a gift from you.  Sige wait ka lang ng text message nya na nagso-sorry.  Pag di nag-sorry sige go, ikaw na magtext ng sorry.  Pag walang effect, sige go send your gift sa kanya.  Susme!  Martir! Ang tanga-tanga mo!
  5. Ikaw ang nawalang ng gana.  Abot langit ang pagmamakaawa nya.  Brineyk mo pa rin. Walang involved na 3rd party.  May closure para sayo pero wala sa kanya. Gaga!  Magpadala ka agad!  Now na!  In fact, twelve days of Christmas ang pagreregalo mo nang sa ganun eh mabawasan ang bad karmang nagbabadya dahil wala kang puso at nanakit ng nagmamahal sayo!
  6. Siya ang nakipaghiwalay.  Nawindang ang tahimik mong buhay.  Wala naman 3rd party.  Ayaw na lang nya sayo.  Kailangan pa bang sabihing walang closure sayo compared to your ex? Gustuhin mo mang magbigay ng regalo hindi mo magawa.  Bakit kamo?  Sige ikaw kaya ang iwanan ng dyowa na nagsabing di ka na nya mahal.  Ewan ko lang kung gustuhin mo pang mabuhay.  Isumpa mo siya.  Lalo na kapag nasa stage ka pa ng anger, denial and pain. Halos mabuang ka na nga, regalo pa ang iisipin mo?  Uchosera!

O diba? Anim na sitwasyon lang yan at pinagdaanan kong lahat yan sa iba’t ibang ex-dyowa ko.  Di ba ka-relate-relate ever?  Huwag kang plastic dahil amcher napagdaanan mo ang ilan sa mga sitwasyong yan.  Sa mga virgin pa sa relationships, magsimula na kayong mabahala.  Either zombie kayo or taong-bato kayo or punong-kahoy.  Anoveerrrr!  Ang tanda mo na wala ka pa ring karelasyon?  Makiuso ka naman kahit sa tricycle driver or masahista.  Char!  Meri Krismas po!

Related Posts with Thumbnails

19 comments

  1. haha. astig!

    natamaan ako ah. haha. sana bigyan ako ng gift galing sa mga naging ex ko dis christmas. weee. 😀

    at wala akong maibigay na gift sa kanila kasi financial crisis. toinx. haha

  2. hahahaha nawendang ako doon partner at parang feeling ko i deserved to have gifts from my exes – cobra man o anupaman hahahahaha

  3. binigyan ako ng regalo ng ex ko. wahehehe. pero hindi ko siya binigyan kasi pinahamak niya ako ng bonggang bongga… Merry Christmas! galing mo talaga ganda ever so much! hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge