Godspeed, Dave!

For the past weeks stressed na stressed ako

Magkahalong concerns sa career, friendships at love life ang ininda ko

Hindi ako nagpapahalata pero tumatumbling talaga ang emotions ko

Maayos ko namang napatakbo ang concerns sa trabaho

As far as my love life is concerned blinank-out ko muna

Pero talagang natigalgal ako sa desisyong mag-resign ng isang Manager ko

Ngayon ko lang aaminin na sumama ang loob ko at nasaktan ako

Pakiramdam ko nabalewala ang pagkakaibigan namin

Hindi naman kaila na talagang siya ang gino-groom ko

Pansinin nyo nga’t para ko syang carbon-copy at alter ego

And talagang I was his shield and I protected him like no other

I did my best to keep him from leaving – to no avail

He was bent on moving on to better opportunities

That’s when I stopped talking to him

Kahit nga gaano kaganda nung goodbye letter nya – dinedma ko

Bitter talaga ako to the max – galit nga ako eh

And the worst part – tinabihan pa nya ang branch ko

Kung pinapansin ko sya lately – plastic lang ako

Until I realized na I was acting irrationally

Like a parent, I have to learn to let go when your child marries

That’s when I accepted the reality of losing Dave as an officemate

But our friendship will forever remain

Para akong nabunutan ng tinik ngayon

So Dave, Godspeed and good luck!

Humanda ka’t lalampasuhin kita bilang kakumpetensya!

Hehehehehe…

Related Posts with Thumbnails

7 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge