Mga Ugaling Babaguhin Ko Sa Darating Na 2011

Sa dami ng nangyari sa buhay ko ngayong taon, hindi lang timbang ang nadagdag saken.  Andami kong learnings sa mga naging experiences ko.  Siempre both happy and sad events ay dapat ipagpasalamat dahil in fairness, may  natutunan  din naman ako from these experiences.  Hindi porke matanda na ang tao eh hindi na natututo.  On the contrary, bawat napagdadaanang saya at lungkot sa buhay ang syang humahasa sa dunong at galing ng tao.  Ito ang mga babaguhin ko sa ugali ko next year.  Read on, faithful readers…

  1. I need to say NO when necessary. Case in point, nitong December lang – natangu-an ko ang pagiging Ninong sa kasal on the same day and isang oras lang ang pagitan ng wedding ceremonies.  Na-atenan ko ang isa pero di ko na kinaya ang pangalawa.  At kapag iniimbita ako at hindi ako pwede, sasabihin ko na agad para di na umasa ang mga nangimbita.  Sa sobrang busy ko, kailangang piliin na ang mga pinupuntahan.  Ayokong ma-stress.
  2. I need to hold on to my wallet. Sobrang bilis akong gumastos.  Walang pakundangan.  Kailangan nang kontrolin.  I need to save for the rainy day.  Wise spending ang gagawin ko.  I will count to ten bago ako gagastos.  Tigilan na ako ng mga nagsosolicit sa akin at hindi ako Central Bank.  Simula next year, I will be forthright at tatapatin ko na sila na tigilan na nila ako.
  3. I will be more discerning sa ngalan ng love. Sa mga mahilig magparamdam pero ang tingin sa akin eh parang Mall of Asia – tumigil na kayo at mapapahiya lang kayo.  Hindi na ako magmamadali.  Been there.  Done that.  And hindi nakakatuwa ang resulta.  Don’t get me wrong.  Gusto ko pa ring ma-in love uli.  Darating lang yan.  At kung hindi man, keber na – at least hindi na ako virgin.
  4. I need to be more straight-forward. Napansin ko na sa sobrang diplomasya, andaming expectations na either nadi-delay or hindi naaabot.  Minsan kasi dahil ayokong makasakit ng tao hindi ko tuloy masabi ang dapat sabihin o gawin ang dapat gawin.  Pero nung dinidiretso ko na ang mga dapat diretsuhin, aba, ambilis ng resulta.  Sa tanda kong ito ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.
  5. I should stop trying to please everyone. Mahirap baguhin ang ugaling nakasanayan.  Ayoko kasi ng gulo.  Ayoko ng diskusyon.  Kaya minsan inaabuso na ako.  For 2011, I will be fair to myself and just do what I believe is right.  Kung ayaw nyo saken, ayaw ko rin sa inyo.

Ayan naisulat ko na din ang mga gusto kong baguhin sa sarili ko next year.  Ito na ang New Year’s resolutions ko.  Lima lang yan pero am sure ta-tumbling nanaman ako nyan.  Bring it on, 2011!

Related Posts with Thumbnails

7 comments

  1. glad your resolutions are realistic… good luck to that! you can do it.. pero teka, i think some of these are already done at some point.. meaning 1005 to all situations na ba it? LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Are you smarter than a 5th grader? *
Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.

CommentLuv badge