Mga Obserbasyon Ko Nitong Nakaraang Undas

Nitong nakaraang undas, magkahalong saya at dismaya ang naramdaman ko.  Yung excitement na na-build up days before All Soul’s Day is expected kasi ito lang uli yung chance na magkasama-sama kaming mag-anak and reunite na din other relatives.  Isa pa gusto ko ding subukan ang bagong bili kong tent.  Maaga pa nung November 1 busy na sa bahay.  My niece prepared spaghetti and tuna sandwich while I wanted biko or suman sana.  Anyway, around 3pm na kami pumunta ng Forest Lake.  Medyo matrapik na pero at least gumagalaw naman.  As usual uber layo ng parking area and I dreaded the thought na andami naming bibitbiting gamit.  Pero mas nalurkey ako sa mga naging observations ko.  Read on, faithful readers…

  1. Traffic control. Mas nag-improve na ngayon ang nagpapatakbo ng traffic.  Hindi kami masyadong tumagal sa daan lalo na nung paliko na kami papuntang parking area ng Forest Lake.  Hindi na rin lubak-lubak ang daanan – apparently mismong si Mayor Darlene ang personal na nagpa-follow up nito.  Maalikabok pa rin as usual.
  2. Parking Area. Uhmm… medyo magulo pa rin at nakakalito.  It would have helped kung merong signages.  Para tuloy kaming trumpo na paikot-ikot.  Meron namang mga parking aides pero mukhang mas hilong-talilong din sila so dedma ever na lang kami.
  3. Free Ride. I was actually ready to walk na bitbit ang sangkaterbang gamit when a yellow multi-cab stopped and said:  “Libreng sakay!  Now na!”  Kalurkey na invitation ha!  But it was really a welcome innovation by the Park management.  Sakay ever agad kaming lahat.  Maayos naman ang ride and first time itong ginawa sa Forest Lake.  At least hindi ako pinawisan.
  4. Wala nang karaoke machines. Kung meron man hindi na sila makapatugt0g dahil sa lakas ng sound system ng Forest Lake.  At bakit ka naman din magdadala ng karaoke sa sementeryo aber?  Ito ang pinaka-pet peeve ko ng mga nakaraang undas.  Kanya-kanyang palakasan ng karaoke.  Kanya-kanyang kantahan.  Susmaryosep!  Ang migraine ko umaarangkada palagi
  5. Uber noise pollution. Sino kayang magaling na tao ang nag-decide na gawing parang radio station ang dapat sana eh paging system lang ang gamit.  Ang sagwa pa ng timbre ng boses ng announcer – kung anik-anik pa ang sinasabi na parang disc jockey ng patakbuhing FM station.  This really distracted me a lot.  Nawala ang solemnity ng araw.  Nakakawalang-gana mag-stay ng matagal kasi irritating talaga.  This should be the last time na gawin ito.
  6. Too commercialized. Okay naman para saken ang aim ng Park Management na gawing parang one-stop destination ang Forest Lake.  So I have no problems with inviting fast food chains or food stalls to set up inside the park.  Ang pinaka-ayaw ko eh kung san sila inilagay.  They ate up the promenade area and really created a traffic mess.  Dapat ilagay sila in one place na pupuntahan na lang ng tao.  Hindi dapat along the road.
  7. Film showing. If I wanted to watch a movie then I will go to Robinson’s or KCC Mall.   Kung nakakairita ang announcer mas nakakairita na maririnig mo ang dialogue ng movie being shown.  Stop this please.
  8. Where are the Prayer Warriors? Dahil siguro nahihirapang makipag-compete sa lakas ng sound system nag-walk na ang mga pari and ang ibang nag-ooffer ng prayers for our dearly departed.  Ito dapat ang binigyan ng suporta ng Forest Lake.  They could have trained a group of individuals to go around and offer prayers in songs.  Di ba mas bongga?
  9. More restrooms please. Sadly, failure sila dito.  Sa dami ng tao that day they should have set up portalets distributed around the park.  Tuloy people pee anywhere they please kasi anlayo ng restrooms.  And by the end of the day ambaho na talaga ng c.r. nila.
  10. Drinking fountain. Wish list ko talaga ito noon pa.  Wouldn’t it be neat kung merong drinking fountain around the park?  Minsan lang namang nangyayari ito di ba?

I went home that night feeling tired and irritated.  I made a mental note:  Kung ganito pa rin ang mangyayari next year I would rather stay home.

Related Posts with Thumbnails