Mga Balitang Ayaw Kong Marinig

courtesy of Cidyz Bascon (Walang kinalaman ang picture sa blog post na ito!)

Sa bawat kabanata ng taong nagpipilit mag-move on mula sa naunsyaming pag-ibig, maraming pagsubok na dinaraanan.  Isa sa mga pinakaiiwasan kong mapagdaanan eh ang marinig ang kung anik-anik na balita about sa ex-jowa ko.  Heto ang Top Five sa mga ayokong marinig.  Read on, faithful readers…

  1. May syota na syang iba. Kaya ayokong may common friends kami from his side kasi unsolicited ang mga balitang ibinabato saken.  Pinaka-ayoko yung linyang:  “Ang cute ng partner nya!”  Keber na actually kung may syota na syang iba kaso ang dating saken ng nagbalita may halong mockery or pang-iinggit.  Ang tanging nasabi ko: “No comment.”  Ang sunod kong ginawa, tinanggal ko sya as FB friend and UNLIKED myself from that FB group.
  2. Sobrang busy nya. Eh kasi naman nakaka-stress tuloy kapag wala akong ginagawa.  A killer schedule is the best way to move on.  Eh kaso sa sobrang intensity ng kagustuhang mag-move on ayun tuloy natapos ko lahat ang ginagawa ko and nawalan na ako ng gagawin.  Kalurkey uy! Taz maririnig mong busy-busyhan ang ex.  Nyeta talaga.
  3. Sikat sya ngayon. Yan ang puno’t dulo ng lahat ng kadramahan ng buhay-pagibig ko.  Kapag kasi bida sya at sikat, eskembertush ang ganda ko.  Kapag kasi ang kapartner mo eh uhaw sa accolades and adulation ng pamilya, maghahanap ng appreciation mula sa ibang tao yan.  Kapag sikat sya biglang naunahan nanaman ako sa move-on eklavu.  Kaines.
  4. Hindi ka na nya mahal. Hindi naman sa nagbabakasakali pa ako.  Sino ba namang tao ang gustong marinig ang balitang ganito.  Unfotunately ito ang balitang magpapabilis ng pagmo-move on mo.  Eh bakit ayokong marinig?  Ay ambot!
  5. Nag-break na sila ng syota nya. Eh wala na dapat akong pakialam di ba?  Kaso napapasama ka lang kasi napapa-comment ka ng:  “Good riddance!”  Ay sus, di ka pa move-on, dong!  Hahahaha… Kalurkey na buhay itetch!

Truth to tell, pinakamabuting wala ka nang alam about sa ex-dyowa mo para makalimutan mo na agad sya.  Pag may nagtatanong sayo about your recent love debacle bigyan mo agad ng malutong na “No Comment” nang sa ganun eh hindi ka na mag-eemo.  In the meantime, I will keep myself busy.  No jumping into another relationship muna.  Jerjer na lang.  Char!

Related Posts with Thumbnails