Mga Ugaling Namana Ko Sa Nanay Ko

sandobag

I was inspired to come up with this list of pag-uugali na namana ko sa nanay ko.  Come to think of it, yung paguugali ko talaga now eh dahil kay mommy.  Well, mas mataray nga lang ako and I made certain resolutions ng mga bagay na kailangan kong gawin para maging mas maayos ang buhay ko.  Nevertheless, I owe it to my mother for who I am now.  Read these, faithful readers.

  1. Tinatabi ko ang plastic bags galing shopping. Sabi ni mommy pwedeng gawing lalagyan ng basura and siempre pwedeng i-recycle para gamitin uli panlagyan ng kung anik-anik.
  2. Hindi ko sinisira ang gift wrap or ribbons. Lalo na kung sosyal at maganda ang wrapper, dahan-dahan ko talagang binubuksan ang gifts ko.  At least magagamit ko ito to wrap gifts in the future.  O di ba matipid?
  3. Kahit hindi na kasya ang mga damit ko I still keep them in my closet. Dahil dito siguro about 70% ng mga nasa loob ng aparador ko eh hindi na magkasya saken.  Nasasayangan kasi akong ipamigay.
  4. I don’t throw away used plastic containers or glass tumblers. After mahugasan ng maayos, itinatabi ko sila for future use.  Unfortunately dumadami na sila pero di ko pa rin nagagamit.
  5. I keep extra food in the fridge and totally forget about them. Saka ko na lang madidiscover kung maglilinis ako ng fridge and I don’t do that often.   Kung naaalala ko naman ayoko ring ipamigay o kainin.  Kalurkey!
  6. Mahilig akong magkolekta ng kung ano-anong bagay like perfumes and hotel toiletries. Mag-expire na lang hindi ko pa rin nagagamit.  Nagmumukha tuloy stockroom ang kwarto ko.
  7. Kahit luma na ang gamit ko hindi ko pa rin dini-dispose. Hay naku for sentimental reasons yan at wala nang iba.  Naalala ko tuloy si mommy when I told her na dapat sunugin na ang mga luma nyang damit.  Hayyzzz…
  8. I keep old magazines. Kahit inaagiw na at maalikabok I still keep them.  From time to time binabasa ko uli.
  9. I buy food stuff in cans and store them. Ang nakakainis umabot na sa expiry eh hindi ko pa rin nabuksan para kainin.  Ang mas nakakainis bili pa rin ako ng bili.
  10. Insecure ako pag walang laman ang fridge ko. Naalala ko talaga nung bata pa kami and walang laman ang fridge namin.  I saw mommy’s face and I can never forget that look.

Writing this is too painful kasi namiss ko bigla si mommy.  I love my mother so much.  Hayzz emo tuloy ako uy!

Related Posts with Thumbnails