Christmas Single

oomemo

Single bells, single bells, single all the way…

Napakanta nanaman ako

Napa-buntong hininga ng uber lalim

Magpa-pasko na’t single pa rin ako

Mabuti na lang at hindi na ako virgin

Otherwise mas kasumpa-sumpa ang pasko ko

Hindi naman sa nagpapaka-bitter ako

Pero siempre masaya yung may ka-love team ka

Lalo na’t magpapasko na

Sabi nga nila na huwag daw mag-alala

Dahil darating lang ang kalabtim ko

Uhmm… naka-book yata sa Zest Air ang hinayupak

Ayun tuloy palpak at di na yata makakarating

Eh ano naman kung magpapasko’t single ako?

At least menos gastos sa regalo

Lalo na sa kalabtim na iPhone ang request

Isa pa pwede pa din namang maghanap ng ka-date ah

Kaso nga wala namang kalatoy-latoy kausap

Jerjer nga eh pwede na

Kalurkey naman ang mga balitang HIV

Magtitiis na lang bang talaga?

Sa paskong lungkot lang ang dala?

Pakshet naman kasing pusong ito

Anumang gawin eh andaling mauto

Masasanay din daw ako

Ay sus huwag naman sana po

Mahirap din namang magmadali

At baka mapako uli

Hindi lang cellphone ang ma-misplaced

Baka pati refrigerator ay ma-displaced

Smile na lang ever

Retouch palagi para ganda ever

Kawawa daw kaming single ever

Sana naman eh huwag forever

Kaya’t kung may kaibigan kang single

Ngayong pasko’y make them tingle

Kaya’t sa paskong ito

Ang gagawin ko

To gather my friends na single too

At sabay-sabay naming kakantahin ang…

“Single Bells, Single Bells, Single All The Way”

At sabay dasal ng malakas:

“Lord, give me a lover.  Now na.”

Maligayang Pasko Po!

Related Posts with Thumbnails